[4] Meet Again

5.1K 134 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA VI

I

"Kamusta, Red?" bahagyang nagulat si Eureka sa nasaksikan.

Napatigil siya sa paglalakad. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang estrangherong binata na nakita niya nitong nakaraan. Hindi niya inaasahang magkikita silang muli sa mismong lugar kung saan sila nagkita. Tinanggal nito ang suot-suot nitong takip sa ulo at ngumiti sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ano ba namang klaseng pagbati 'yan." Umiling-iling nito. "Naglilibot-libot kasi ako sa bayan. Naalala kong dito ka pala madalas magpunta tuwing sasapit ang ganitong oras."

Inayos niya ang pagkakasukbit sa dala-dalang bag. Bahagya niya ring ibinaba ang suot-suot niyang takip sa ulo. Hindi na niya kailangan pang mailang, matagal din naman nitong nakita ang kakaibang kulay ng kanyang buhok.

"Cool. Mukhang mas lalong dumarami ang kulay ng 'yong buhok." Humalukipkip ito't bahagyang tumalikod sa kanya. "Sadyang nakakatuwa ngang tumambay sa lugar na 'to. Bukod sa maganda na ang tanawin, makakakita ka pa ng kakaiba."

Nilapitan niya ito ng bahagya. Palihim niyang pinagmasdan ang mukha nito habang abala sa pagtanaw sa kabuuan ng bayan. Nakaramdam siya ng kaunting kasiyahan. Buong pag-aakala niya'y hindi na sila muling magkikita dahil napadaan lang naman ang binata noon sa kakahuyan.

"Namamasyal ka ulit?"

"Parang gano'n na nga." Pansamatalang nanaig ang katahimikan sa kanilang paligid. Pinakiramdaman niya ang binata at patuloy na pinagmamasdan ng palihim. "Tapos ka na bang kumuha ng mga halamang gamot?"

"Oo. Sisilip lang sana ako sa lugar na 'to nang mapansin kong may ibang tao rito. Surprisingly, ikaw pa ang makikita ko."

Narinig niya itong natawa. It was strange. Pakiramdam niya'y may kung anong tumapik sa kanyang dibdib. Kitang-kita niya kung papaano 'yong ngumiti sa kanya. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit. Mabuti na lang at nakasuot siya ng roba kung kaya't hindi ito makikita ng binata.

"So I guess this is really fate."

"Hindi ko masasabi." Nagkibit balikat siya. "Pangalawang beses na nating nagkikita ngunit 'di ko pa rin alam ang pangalan mo. P'wede ko bang malaman kung ano?"

"Call me Rain."

Hindi niya maintindihan kung bakit siya napangiti nang marinig ang pangalan ng binata. It's very unique. Sa palagay niya'y hindi bagay ang pangalan na 'yon para sa binata. Rain supposed to be the theme of sadness, the feeling of coldness. Malayong-malayo sa nakikita niyang katangian ng binata. Pero tulad nga ng sinasabi ng karamihan, don't judge the book by it's cover.

"Ikaw?"

"Eureka Lockhart."

"Okay lang ba sa 'yo na tawagin na lang kitang Red? Natutuwa kasi ako sa kulay ng buhok mo."

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon