[14] Glitch

3.5K 80 19
                                    

"I am the darkness you won't forget

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I am the darkness you won't forget." 


---xXx---

KABANATA XIV


NAMILOG ang mga mata ni Eureka nang masilayan ang 'di inaasahang nilalang sa paborito niyang lugar. Sabay sa hangin ang itim nitong buhok maging ang robang suot-suot nito. Hindi niya maiwasang kabahan sa nasaksihan. Mas malakas pa sa tunog ng tambol ang tibok ng kanyang dibdib lalo na nang dahan-dahan itong lumingon sa kanya.

"Kamusta ka na?" napasinghap siya. Hindi maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman nang marinig ang tinig ng binata. "Red."

"R-rain..." marahan itong ngumiti sa kanya. Kulang na lang matunaw ang kanyang puso sa nakita. Hindi niya maiwasang maluha. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at sinuklay ang kanyang buhok.

"Pasensya na kung kinailangan kong lumayo." Mariin siyang napapikit. Nararamdaman niya ang pagdampi ng daliri nito sa kanyang pisngi. Hanggang sa ito na mismo ang pumahid sa kanyang mga luha. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang naramdaman nang umalis ito sa bayan. Ang pag-aakalang pati ito ay nadamay sa kaguluhan, kung maayos ba ito at kung nasa mabuting lagay.

Hindi naman maipinta ang kanyang mukha nang idilat niya ang kanyang mga mata. Tulad ng mga nakita niya sa bayan, namumuo ang ugat ni Rain sa mukha. Nababalutan ng itim na mahika at halos mamutla na ang kulay ng balat. Ang maliwalas na tingin nito sa kanya'y napalitan ng kalungkutan, ng kawalan ng pag-asa. Nagbago ang imahe hindi lang ng binata pati na rin ang buong kapaligiran. It seems like darkness eating the whole place including him.

"Rain!" sinubukan niyang abutin ang kamay nito ngunit mabilis itong bumagsak as bangin.

Nagulantang siya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Tila ba bumagal ang oras at tanging pagbagsak lang ng binata ang kanyang nakikita. Ang mga kamay niyang hindi nagawang hawakan ang kamay ng binata. Ang mga tingin nito sa kanya at pagpapahiwatig ng kawalan ng pag-asa. Pakiramdam niya'y may kung anong bombang sumabog sa kanyang sistema. Frustration. Grabeng emosyon. Wala siyang magawa kung hindi ang humiyaw sa galit, inis at sakit. Sa ikalawang pagkakataon, hindi niya nagawang hawakan at pigilan ang binata sa pag-alis.

Napabalikwas siya ng tayo. Habol hininga siyang umupo sa kanyang kama habang sapo-sapo ang kanyang dibdib. Ramdam na ramdam din niya ang pawis na tumutulo sa ilang parte ng kanyang katawan at ang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Isang panaginip ang nagpakalat ng takot sa kanyang sistema. Isang panaginip na para bang totoong-totoo.

Sumandal siya sa head board ng kayang kama. Ilang araw ang lumipas simula nang umalis siya sa palasyo. Naiwan ang kanyang mga kaibigan ro'n at ipinagpatuloy ang nasimulan nilang trabaho. Ngunit gano'n pa man, hindi rin naman gustong manatili pa ng mga kaibigan niya sa palasyong 'yon. Silang tatlo ang nakasaksi sa ginawang pag-atake ng prinsipe. Nakita na nila kung sino ang tunay na kakampi sa hindi. Kung sino ang dapat protektahan sa dapat na labanan.

Rewind ✅Where stories live. Discover now