[1] Color of fate

10.1K 176 14
                                    

KABANATA I

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA I

I

FIORRE, EIGHTEEN YEARS LATER...

MATULIN ang ginawang pagtakbo ni Eureka sa kakahuyan. Ganadong-gando siya sa paghahanap ng halamang gamot na magagamit niya sa paggawa ng panibagong mga gamot. Iniingatan niya rin na h'wag malaglag ang suot-suot na roba sa kanyang ulo. Hindi naman gano'n katindi ang sikat ang araw para magsuot siya ng roba. Sa katunayan, hindi pa gaano'ng mararamdaman ang init sa buong paligid. Dahan-dahan siyang napatigil sa pagtakbo nang matanaw ang iba't-ibang klase ng halamang gamot sa gitna ng kakahuyan.

"All right. Perfect timing lang. Mukhang bagong tubo pa ang ilan sa mga 'to." ngiting sambit niya habang pabalik-balik ng tingin sa mga halaman. Umupo siya sa harap ng mga 'yon at ibinaba ang dala-dalang bag. "My dear herbal plants, nagkita tayong muli." At saka niya sinimulang hawakan ang mga 'yon. Hinimas-himas pa niya ang ilang dahon bago pintasin, naniniguradong tama ang lambot at pagkakahiyang ng mga 'yon.

Dahan-dahang nalaglag ang robang nakatakip sa kanyang ulo at lumantad ang kanyang kulay tsokolateng buhok. Subalit ang dulong bahagi ng mga 'yon ay nagtataglay ng kakaibang kulay. Napatigil naman siya nang muling makita ang dulong bahagi ng mahabang buhok. Kaagad niyang inilagay sa bag ang mga halamang gamot at inayos ang pagkakaipit ng kanyang buhok. Muli niyang ibinalik takip sa kanyang ulo at umayos ng tayo.

Hindi rin siya sigurado kung bakit nagbabago ang kulay ng kanyang buhok. Wala rin namang alam ang kanyang mga magulang tungkol sa bagay na 'yon at nakakapagtakang siya lang ang may gano'ng kulay ng buhok sa kanilang pamilya. Sinubukan niyang pag-aralan ang kakaibang nangyayari sa kanyang sarili ngunit wala naman siyang makuhang impormasyon tungkol doon.

Muli siyang naglakad at nagpalinga-linga sa paligid. Huminto siya nang makakita ng ilang maliliit na puting bulaklak. Hinawakan niya ang mga 'yon at ineksamina. Marahil naweweirduhan ang ilang mga kasamahan niya sa kanyang pagkatao. Sinasabi ng ilang herbalist na nagkakagano'n siya dahil nagtataglay siya ng 'di malamang sakit. Na baka raw dahil sa genes 'yon kung kaya't nagbabago ang kulay ng kanyang buhok. Iling-iling na binalikan niya ng tingin ang hawak-hawak na bulaklak at kaagad itong pinitas.

"Sana pala nilakihan ko na ang dinala kong bag. Mukhang hindi pa kakasya ang mga kinuha kong halaman."

Muli siyang naglakad sa masukal na gubat. Bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng potensyal sa larangan na 'yon. Sinasabing namana niya ang kapangyarihan ng kanyang magulang sa paggamot. Hindi naman gano'n kagaling ang kanyang mga magulang. Sapat na para makapagpagaling ng mga may sakit tulad ng ilang mga manggagamot na mayro'n sa buong bayan.

Natanaw niya ang kabuuang bahagi ng bayan mula sa bangin na kanyang kinatatayuan. 'Di niya maiwasang mapangiti nang makita ang angking ganda ng buong lugar idagdag na rin ang magarbong kastilyo. Sa tuwing pumupunta siya sa kakahuyan, di niya pinapalagpas ang pagkakataon na pagmasdan ang senaryong iyon.

Rewind ✅Where stories live. Discover now