EPILOGUE

4.8K 93 23
                                    

A/N: lines before the chapter from the previous chapters are those words/thoughts from Prince Cloud/Rain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: lines before the chapter from the previous chapters are those words/thoughts from Prince Cloud/Rain

---xXx---

EPILOGUE

NANATILING nakatanga si Mao habang isa-isang nagsisipagtumbahan ang ilang imprastraktura sa kanyang paligid. Nagsimula na ring tumunog ang alarma ng palasyo hudyat ng paghahanda sa mangyayaring gulo. Napakalakas ng tunog ng tambol na nagmumula sa 'di kalayuan, samu't-saring ingay ang namamayagpag sa buong paligid. Ngunit nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang mukha ng isang nilalang na 'di niya magagawang patumbahin. Kahit na saan siya lumingon ay nakikita niyang nagtatakbuhan ang mga tao.

"I'm really worried about you. Hindi ko gustong makita na dadalhin ka nalang ng kung sinong lalaki sa akin at sasabihing wala ka na. Eureka's death is more like a nightmare for us. Ayoko nang maulit pa 'yon lalong-lalo na sa 'yo." Kumuyom ang kanyang kamao nang maalala ang sinabi ni Kyo.

Tumiim ang kanyang mga bagang at ginawaran ng masamang tingin ang prinsipe sa 'di kalayuan. Unti-unting namumuo ang yelong espada sa kanyang kamay. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi at paalala sa kanya ni Kyo. Batid niyang maari silang mag-away kung susuwain niya ang paalala ng kaibigan. Ngunit ano pa bang maari niyang gawin sa sandaling 'to? Dapat nga ba siyang manood sa gulong nangyayari sa kanyang harapan.

"This is not about the war. I know this is freakingly insane. But as a doctor, as a healer, my top priority are those people who needs me." Napapikit siya ng mariin nang maalala ang mga salitang binitawan ni Eureka. Ang mga tulad nilang nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan ang maaring magligtas mula sa mga tulad nila na nagdadala ng kaguluhan.

Hindi niya maiwasang mainis sa tuwing sumasagi sa isipan niya na 'di sapat ang kanyang kapangyarihan para iligtas ang lahat mula sa kapahamakan. A person's strength in this world is just an illusion. She can't just sit back and watch someone die. Choosed to die alongside them than do nothing. But... There's no point to any of this if she die. Sacrificing herself is the other way to escape the problem. And she doesn't want to be someone's problem.

Hindi niya maaring gamitin sa sandaling 'yon ang huling alas niya. Masyadong kumukuha ng labis na lakas ang kapangyarihan 'yon. Kung gagamitin niya ito'y maari siyang mawalan kaagad ng lakas bukod pa ro'n, hindi niya alam kung gagana ito sa isang nilalang na hindi maaring mamatay.

"Eureka..." mahinang bulong niya sa hangin. Kung naroro'n ang kaibigan niya'y siguradong kanina pa ito nakaisip ng maayos na paraan para maitigil ang lahat.

Papaano nga ba niya mapipigilan ang prinsipe sa binabalak nitong masama? Kung titingnang maigi, nilamon na ito ng itim na kapangyarihang tinataglay nito. Ni hindi na nito makontrol ang sariling lakas na para bang ito na ang kumokontrol dito. Ang itim na marka nito sa katawan at halos takpan na ang kalahating mukha nito. ang inosenteng mukha ng prinsipe, ang mukha na nasilayan niya bilang Rain, lahat ng 'yon ay nabura ng itim na kapangyarihan. Tila ba ibang nilalang na ang nasa kanyang harapan. Isang halimaw.

Rewind ✅Where stories live. Discover now