[3] A Sudden Encounter

5.1K 110 2
                                    


KABANATA III

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA III

I

TUMINGALA si Eureka sa magarbong palasyo sa kanyang harapan. Ngayon ang araw ng kanyang pagsusulit para maging isang manggagamot sa ilalim ng palasyo. Naghuhurumentado ang kanyang dibdib, kulang na lang ay malaglag ang puso sa sahig. Magkahalog kaba't takot ang namamayagpag sa kanyang sistems. Pinapanalangin din na sana'y makapasa siya sa pagsusulit para makapasok sa palasyo.

"Okay! Kaya mo 'to, Eureka." Nagsign of the cross siya't sinimulan ang paglalakad papasok ng palasyo. Ilang minuto lang naman ang itinagal niya sa pila kasama ng ibang mga nagbabalak ding maging manggagamot ng palasyo.

Hinawaka niyang maigi ang takip sa buhok at iniingatan na h'wag itong malaglag. Napakaraming tulad niya na ninanais makapasok, napakaraming naghahangad maging manggagamot, napakarami niyang kakompetensya. Naalarma siya nang mapansin niyang may isang manggagamot ang nakatingin sa kanyang direksyon. Iniwas niya ang kanyang paningin at ibinaba lalo ang takip sa uluhan.

"Sa tingin ko kilala kita." Tinig ng isang babaeng papalapit ang kanyang narinig. "Ikaw yung babaeng may kakaibang kulay ang buhok 'di ba?" Napakagat siya sa labi.

Naramdaman niyang bumaling ang tingin ng lahat sa kanya maging ang nasa unahan niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala-dalang bag at pilit na inililihis ang atensyon sa tumutukoy sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata nang hilahin nito ang takip sa kanyang ulo. Napaatras siyang tinapik niya ang kamay ng babaeng humila rito.

Narinig niya ang pagsinghap ng lahat. Ang mga mapangmatang mga mata'y nasa kanya. Kanya-kanyang bulungan ang lahat, mapababae o mapalalaki.

"At ano namang salamangka ang gagawin mo para makapasa? Gagayumahin mo ba ang mga magbabantay sa atin? Lalasunin?" saka nagtawanan ang mga ito. Wala siyang nagawa kung hindi ang ibalik ang roba sa ulo.

"H'wag kang mag-alala," Saka niya ito nilingon. "Wala akong gagawing pandaraya sa pagsusulit. Kung gusto mo, pakopyahin pa kita."

"Aba't tingnan mo 'tong!"

"Itigil niyo na 'yan. Nasa palasyo pa man din kayo ganyan ang mga ugali niyo." Pagsita ng isang kawal sa kanila.

Pasimple lang siyang napangiti ro'n habang inaayos ang takip sa ulo. Napalingon din siya sa itaas na bahagi ng palasyo kung nasaan ang daanan sa ikalawang palapag. Mayroong mga naglalakad sa gawing 'yon na pinangungunahan ng isang lalaking mayroong takip sa bibig. Napakaraming kawal na nakasunod sa lalaking 'yon habang naglalakad. Bagay na mukhang napansin naman ng ilan.

"Sumunod kayo sa akin. Dadalhin ko na kayo sa lugar kung saan kayo magsusulit."

Nagkaroon ng kaayusan ang magulong pila. Napunta siya sa bandang dulo dahil mukhang nananadya ang ilan na singitan siya. Nangunguna ro'n ang babaeng humila sa kanyang roba na umismid muna bago tumalikod sa kanya.

Rewind ✅Where stories live. Discover now