[9] Good night, Red

3.8K 106 8
                                    

"Don't forget me, the way i used to be

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Don't forget me, the way i used to be."

--xXx--

KABANATA IX

NATARANTA ang grupo nina Alleah at Eureka nang marinig balita mula sa isang kawal. Nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pagkakaroon ng sakit ng ilang mga kawal sa loob ng palasyo. Dala ang medicine kit, tinakbo nila ang daan patungo sa open field kung saan naroro'n ang ilang mga nagsasanay sa pakikipagtunggali.

"Sigurado ba silang hindi 'yon gawa ng stress o dehydration? Baka naman nawalan lang ng malay ang ilan dahil na rin sa tindi ng sikat ng araw?" hingal na tanong niya kay Alleah.

"Kaya nga kailangan nating magtungo sa lugar na 'yon para makompirma ang lahat." Sagot naman ni Verna.

"Nasaan nga pala si Rachelle?"

"Nagdidikdik ng halamang gamot." Kung hindi siya tumatakbo sa sandaling 'yon ay malamang sa malamang ay napapahilamos siya ng mukha. Mukhang si Rachelle lang ang hindi niya kakikitaan ng pagkataranta.

Bahagya niyang nilingon ang mga kasamahan sa likuran. Naroroon din ang mga baguhang mga manggagamot na kasama niyang nakapasa. Sa sandaling minuto, nakarating silang lahat sa dulong bahagi ng daanan. Kitang-kita nila ang mga nakahandusay na mga kawal habang inaalalayan 'yon ng ilang mga kasamahan.

"Damn it! Ano bang nangyayari sa inyo!" bulalas ni Mao. Matalim ang tingin nito sa kanilang grupo nang sila'y makarating. Mukhang hindi nito nagustuhan ang nangyari sa mga kasamahan. Nilingon niya si Kyo, sa sitwasyong iyon, mas gugustuhin pa niyang kausapin ang binata.

"Ipaliwanag niyo sa amin ang nangyari." Hindi naman ito nagdalawang isip at dali-dali rin namang sumagot sa kanya.

"Bigla na lang bumulagta ang mga 'yan matapos kausapin ang prinsipe. Maging kami'y nagulat sa nangyari. Sa sobrang taranta ng lahat, minabuti na nilang ilayo ang prinsipe rito." Nagsalubong ang kanyang kilay. Binalingan niya ng tingin ang mga kawal na nakahandusay. Naroroon na rin ang mga kasamahan niya at isa-isang tinitingnan ang kondisyon ng mga 'yon.

"Nasaan ang prinsipe?"

"Bumalik na sa kanyang silid." Otomatiko namang siyang pumihit ng tingin sa bintana kung nasaan ang prinsipe. Namilog ang kanyang mga mata nang mapansin niyang nakatanaw ito sa kanilang kinaroroonan. Mukhang nagulat pa ito nang mapansing nagtama ang kanilang mga mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa medicine kit na dala-dala. Mayro'ng mali sa sandaling 'yon ngunit hindi niya matukoy kung ano ito. Isang minuto lang ang itinagal ng kanilang tingin. Dali-dali lang itong tumalikod sa bintana at hinawi ang kulay pulang kurtina.

"Damn it, Eureka anong tinatanga-tanga mo r'yan? Kailangan ka ng mga kawal!" napapitlag siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Mao. Umakyat ang taranta sa kanyang sistema at dali-daling tinungo ang ilang mga nakahandusay na kawal.

Rewind ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon