Chapter 03

2.4K 86 7
                                    

Ada

"Ma'am Ada, nako, ba't ngayon lang po kayo?" tanong sa 'kin ng isa sa mga kasambahay namin dito sa bahay pagpasok ko pa lang ng front door.

Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Daddy kaya 'di ko namalayan ang oras, gabi na pala. Ayaw ko sanang mahiwalay sa kanya pero kailangan, eh!

At isa pa, makikita ko naman siya ulit bukas! It's part of our plan. Excited na ako!

"May pinuntahan lang po ako Manang. Si Mommy, nandito na?" sagot at tanong ko.

"Ma'am Ada, kanina pa po niya kayo hinihintay. Nadoon po siya sa kwarto niyo sa taas." wika niya at umalis na sa harap ko. I sighed, hindi naman siguro ako papagalitan ni Mommy 'di ba. 'Di ba?

Kagaya ng sinabi ni Manang, umakyat na ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok ko pa lang, nakita ko kaagad si Mommy na prenteng nakaupo sa kama ko habang nakataas ang isang kilay niya.

I gulped. Ang mala paraiso kong kwarto ay tila nandilim na dahil sa aura na dala ni Mommy. Nako, lagot ata ako nito!

"Uhm, hi Mommy?" awkward kong bati sa kanya. 'Di niya ako sinagot, instead, she stood up and went closer to me.

"Anong oras na, Adhara Claire Salonga?" she asked. Binanggit niya ang boung pangalan ko kahit kulang ng Muhlach, isa lang ang ibig sabihin niyan, galit na ata siya!

Uh-oh, what to do?

"Ah, eh, 9:34 pm na po, Ma'am." sagot ko habang nakatingin sa wrist watch ko, making her roll her eyeballs.

"We talked about your curfew before, young lady. Hindi porke't 18 ka na, hahayaan na lang kitang gumala at umuwi ng kahit na anong oras. Know your limitations, hindi ako natutuwa, Adhara." she said. I sighed again.

Oo na, mali na ako. Namiss ko lang kasing kakwentuhan si Daddy.

"I'm sorry, Ma. I met up with someone po kasi, matagal kaming hindi nagkita kaya napasarap ang usapan namin." I explained habang nakayuko. Ayaw kong tumingin kay Mommy, nakakatakot kaya ang mga mata niya!

Kung alam niyo lang, maiihi ka talaga sa takot pag pinagalitan ka ng nag-iisang Lea Salonga. Mabuti nga ako, nasanay na. She's much scarier than you think she is.

"You're forgiven but make sure na 'di na mauulit 'to." aba, himala! Miracles do happen nga naman! Mabait ata si Mommy ngayon? Time of the month ba?

"Hindi po ako grounded?" tanong ko.

"Bakit, gusto mo?" tanong niya pabalik kaya kaagad naman akong umiling. Of course not!

"Sabi ko nga po, 'di ako grounded."

"Ma, may lakad ka ngayon?" tanong ko kay Mommy habang kumakain kami ng breakfast. She paused for awhile at tila nagiisip pa muna.

"Bukod sa taping namin for TVK3 mamayang gabi, wala naman." sagot niya. Ows, mabuti! Tumango lang ako at uminom ng gatas na nakahanda para sa 'kin.

"Nga pala Ma, may bisita ako mamaya. I hope you don't mind." sambit ko.

Napagusapan namin ni Daddy kahapon na bibisita siya dito sa bahay ngayong araw para makapagusap sila ni Mommy.

"Sino? Si Aya?" she asked. Umiling naman ako. Kilala kasi ni Mommy si Aya, syempre bestfriend ko 'yon eh.

At isa pa, masakit mang aminin pero, si Aya ang nagbubukod tangi kong kaibigan. It's not like I'm anti social or what, I just don't like to have a lot of people around me.

Especially, because of the fact na anak ako nina Lea Salonga at Aga Muhlach, kaya lang naman nila ako kakaibiganin dahil doon, eh.

"Then, who?"

"Basta, you'll know soon!" sagot ko at nagkibit-balikat.

Hours passed, kasalukuyan kaming nasa living room ni Mommy. Nagbabasa siya ng magazine habang ako naman, nanonoud ng Pretty Little Liars.

Maya-maya pa, may nag doorbell sa labas ng bahay. Kaagad naman akong tumayo. Si Daddy na ata 'to! He texted me minutes ago saying that he's already on his way, so..

"Ma, I'll check who's outside." paalam ko kay Mommy at nagmadaling lumabas ng bahay without waiting for her response.

Mataas ang bakod ng bahay namin at gawa sa brick walls kaya hindi mo makikita kung sino 'yong nasa labas. Lumapit ako sa mini guard house kung saan nakatayo si Manong Harold, ang guard namin.

"Ma'am Ada, si Sir Aga po nasa labas. Papasukin ko ba?" tanong ni Manong. Halatang shocked si Manong, nagulat ata ito nang makita si Daddy.

"Opo, manong! Papasukin niyo si Daddy!" masayang turan ko. Napailing na lang si Manong Harold at kaagad na binuksan ang gate kaya tumambad sa 'kin ang gwapong mukha ni Daddy, nakangiti pa siya!

"Hi Dad!" masayang bati ko at yumakap pa sa kanya. Hmmm, infairness, ang bango ata ng Tatay ko.

"Hi princess, Mommy mo nandito?" tanong niya. I nodded.

"Yup! Tara po at pumasok tayo sa loob!" wika ko at masayang naglakad papasok ng bahay, with Dad who's behind me.

"Ada, have yo—" hindi na natuloy ni Mommy ang sasabihin niya nang makita niya ako kasama si Daddy. Astonishment is written all over her face.

"Aga? What the hell are you doing here?" hindi makapaniwalang tanong niya after a moment of silence, uh-oh, I smell trouble.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" Dad asked and chuckled, he's acting cool but I know he's pretty nervous. Who wouldn't? Standing in front of the woman you love, after six years of separation?

"Why would I? As far as I know, I'm not expecting any unexpected visitor at the moment." matigas na turan ni Mommy. Hala, lagot na!


* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now