Chapter 16

2.1K 75 6
                                    

Lea

"Hi, babes!" I rolled my eye balls after seeing Aga standing infront of me. Nasa carpark kami ng mall at nakasandal siya sa kotse niya na katabi lang ng kotse ko.

"Oh, buhay ka pa pala? I thought you're dead already." I said sarcastically.

Imagine, apat na araw siyang hindi nagparamdam tapos ngayon, makikipagkita siya sa'kin na parang wala lang? Damn this guy, he even got the nerves to call me babes!

"Grabe babes, ngayon lang ulit tayo nagkita 'tas iyan pa pambati mo, ansakit dito oh!" he said and acted like parang nasasaktan siya habang nakaturo sa puso niya.

I rolled my eyeballs, again.

"State your business Muhlach! Don't tell me sinusundan mo ako?" I asked him habang nakataas ang isa kong kilay, agad naman siyang umiling.

"Hindi, babes! Nagkataon lang na magkatabi ang kotse natin, parang tayo, itidnadhana!" he answered and winked at me.

I calmed myself down. Isa na lang, isa na lang talaga at mapapatay ko na ang lalaki na 'to dahil sa inis!

Binuksan ko ang kotse ko at pumasok na sa driver's seat, Aga even called my name pero 'di ko siya pinansin. I immediately shut the door nang akmang papasok siya.

Ang tagal kasi ni Lily! Nag grocery kami at siya na lang ang pinabayad ko sa counter, ang haba ng pila at saka people are giving me weird stares. May iba pa ngang pinipicturan ako.

Sabagay, kahit papaano, nasanay na rin ako. Wherever I go, may nakakakilala talaga sa'kin and sometimes, being a celebrity sucks like pwede bang kahit minsan, bigyan ako ng public ng katahimikan sa buhay ko?

Anyway, I chose this path kaya dapat lang, I have to face the consequences.

Napairap ako ulit nang kumatok sa windshield sa labas ng kotse ko si Aga, I almost forgot na nandito rin pala siya.

He kept on knocking pero hindi ko siya pinapansin, may sinasabi siya pero syempre, I can't hear it.

Katok lang siya ng katok hanggang sa naubos na talaga ang pasensya ko! Hindi ba talaga siya titigil, hindi siya napapagod?

Inis kong binuksan ang bintana at tinaasan siya ng kilay, ang loko naman todo, ngiti dahil sa wakas, pinagbuksan ko na siya.

"What do you want?" I asked him and annoyance is evident in my voice.

He smiled at me exposing his cute dimples.

Wait, did I just praised him? Ugh, I can't help it! Ang cute nga kasi!!!

"High blood mo masyado babes, 'wag kang sumimangot at sige ka, magkaka-wrinkles ka niyan!" wika niya.

Akmang isisirado ko na sana ang bintana nang pinigilan niya ako, "Teka! May sasabihin ako!"

"Talk." walang gana kong saad.

He let out a deep sighedm bago magsalita.

"We're going on a vacation, you, me, Ada, Ara, and Cae." he announced. Ah vacation lang naman pala, eh..

Wait, what?! Vacation? What the hell?!

"What are you talking about?" 'di makapaniwala kong tanong.

"I said, we're going on a vacation. I already book our fligh at mamayang gabi 'yon, we'll be going to Boracay." ulit niya, so he decided to go on a vacation with us and already booked a flight without asking me first? Great.

"No. I won't come, pati na rin ang mga bata. You made a decision without asking me na kung papayag ba ako or not? You're really confident na papayag ako, Muhlach." I told him while gritting my teeth, he smirked at me at tila he have something in mind.

"I didn't consult you first kasi what's the point of asking you kung alam ko naman na sasama ka? You have no choice, Lei." he confidently said. Aba?

"I do have a choice and I won't come with you." ulit ko sa sinabi ko kanina, my decision is final.

"Really?" he asked, tumango ako and then he grinned.

"What if sabihin ko sa mga anak natin na their mother kissed me and even asked me to come back to her? Ano kaya ang reaksyon nila ano?" I looked at him with disbelief sa sinabi niya.

Really?! Is this some sort of blackmail?

"You don't have any evidence, Muhlach." I said, ngumiti siya sa'kin at tinuro ang bibig niya na may sugat.

Nanlaki naman ang mata ko dahil 'dun! Shit na malagkit! I remembered the night na ninawakan niya ako ng halik, I did bit his lips, stupid Lea! Nag- iwan ka pa ng marka.

I cleared the lump in my throat at tinignan siya ng masama. "That's not enough to say na I'm the one who did that to you. There can be a lot of reasons to be explained kung bakit may sugat ka d'yan!"

"Hmm, then I'll find ways." wika niya at tila nag-isip pa. Ano siya BDO? We find ways?

"Ah, the night na una kayong nagkita ng mga bata, there's a CCTV outside the restaurant, I can pay the manager and give me the copy. Atleast doon, makikita kung sino ang unang nanghalik!" sabi niya. Mistulang pumula naman ang mukha ko dahil dun.

This guy is unbelievable! It looks like he left me with no choice, there's no way na ipapakita niya sa mga bata ang nangyari ng gabi na iyon! I'll probably die of embarrassment.

He grinned at me once again, "So ano na babes, yes or yes?" he asked. Tsk, nagbigay pa siya ng choices eh puro yes lang naman ang sagot!

"You're a blackmailer Muhlach! Oo na, siguraduhin mo lang na wala kang babangittin ni isang salita sa mga bata tungkol dun kundi, mapapatay talaga kita!" I told him, a smile formed on his face at agad naman siyang tumango.

"I won't, don't worry." sagot niya.

A vacation with Aga won't be a bad idea after all, right? At saka isa pa, I can spend more time with my family, this vacation will probably give me some time to relax, or not..

* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now