Chapter 06

2.1K 74 6
                                    

Ada

Pagdating ko sa park, kaagad na hinanap ng mga mata ko si Luke. I found him, sitting at the swing while busy doing something on his phone.

I composed myself first before going to his direction, "Luke!" pasigaw na tawag ko rito. He looked at me as he smiled and waved his hands.

Tumakbo ako papunta sa kanya at umupo sa swing katabi niya. "Your eyes are swollen. Umiyak ka na naman, tsk." he said. Napairap na lang ako, sanay na ako sa ugali ng isang 'to.

We've been friends since we're 10. Boy bestfriend ko siya, actually, silang dalawa ni Aya but when it comes to my problems, sa kanya ako tumatakbo. He's a good adviser.

I feel comfortable when I'm with him. He always know the right words to say kapag may problema ako. He's there to console me all the time. Kahit na suplado 'to, mahal ko 'to. He's like an older brother to me kahit magka-edad lang kami..

"Kasi.. " nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko sa kanya ang problema ko pero dahil nga kailangan ko ng advise, sa kanya ko na lang ilalabas lahat ng saloobin ko para naman mabawas-bawasan 'tong dinadala ko kahit papaano.

"I met my Dad yesterday." paninimula ko, he was shocked but then he remained silent para makinig sa susunod na mga sasabihin ko.

"I was the happiest girl alive nang yakapin niya ako. Imagine, for six years, nagkita na ulit kami. We did a catch up at a nearby coffee shop dito sa village natin. I gave him our address even tho Mom prohibited me not to give it to anyone, even to my Dad. So as I was saying, pumunta sa bahay kanina si Daddy. Actually, it was our plan na pupunta siya sa bahay so he can talk to Mom and fix things up. Akala ko maaayos na ang lahat but I was wrong. It became worst than I thought. Mom is not pleased to see Dad, she said na masyado siyang nasasaktan everytime she sees him and the rest is history.." I was breathing heavily, tumingin ako kay Luke na ngayo'y tahimik lang na nakatingin din sa'kin.

"You know what, Claire? You should not play cupid with your parents." he said, he's the only one who calls me by my second name, napayuko naman ako dahil 'dun. Guilty. Yeah right, I should not but I cannot prevent myself from doing that.

"Time will come, if Tita Lea is really destined to Tito Aga, then fate will bring them together again. You just need to wait, give your Mom some time and space then I promise you, everything will go well as what God planned it to be." he said and patted my head. I smiled. Alam niya talaga kung ano ang sasabihin eh 'no?

"That's why I love you. Payakap nga hon!" I teased him, causing me to earn a death glare. He hates it when I call him 'hon'. I was about to hug him kaso tumayo siya palayo sa akin.

"Claire, stop it! You're disgusting me." reklamo niya, arte talaga nito!

Minsan, iniisip ko na bakla 'to pero  hindi naman kasi one time, I borrowed his phone, nag-galore ako sa photos niya and to tell you, puno ito ng screenshots ng babaeng maganda. I don't know her name basta maganda siya, crush ata 'yon ni Luke.

"Arte mo, tsk. Halika nga, ihatid mo na lang ako sa amin." utos ko at nauna nang maglakad, sumunod naman siya.

"Manang, para kay Mommy ba iyan?" tanong ko sa isa sa mga katulong namin na si Manang Mari nang madatnan ko siyang nagtitimpla ng juice sa kusina.

"Ah, opo. Bakit?"

This is it. Pagkakataon na upang makausap ko si Mommy, "Uhm, Manang, ako na lang po ang maghahatid niyan kay Mommy." paalam ko, tumango na lang si Manang at binigay sa'kin ang baso na may lamang orange juice.

Kagaya ng turo ni Manang, nasa poolside raw si Mommy kaya lumabas ako kahit na medyo mahamog na dito sa labas, quarter to 5 na rin kasi.

Nadatnan ko si Mommy na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa bench sa harap ng pool namin. She looked drowned with her thoughts habang nakatuon ang boung attensyon niya sa librong binabasa.

"Ma? Ito po iyong juice niyo." wika ko.

"Ilapag mo lang d'yan sa mesa." she answered shortly without looking at me. Ouch, ang sakit 'nun. Galit talaga si Mommy sa'kin.

I bit my lower lip to prevent myself from crying "A-ah sige po. B-balik na po ako sa loob." paalam ko nang mailapag ko na ang baso sa mesa kagaya ng sabi niya.

Tatalikod na sana ako nang hawakan ni Mommy ang braso ko. I starred at her. "Bakit po?"

"Do you really want to bring our family back together again?" tanong niya na ikinagulat ko, napakurap ako ng ilang beses dahil 'dun.

"Po?" I don't get her, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Tila kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.

"I said, do you really want to bring our family back together again?" she asked again, this time clear na clear sa pandinig ko ang sinabi niya kaya kaagad akong tumango.

"Opo, Ma! Sobra!" sagot ko, she smiled at me.

"I guess, talo na ang pride ko. Call your Dad, tomorrow, sundiin niya tayo dito sa bahay at around 10 am." she said. Ang tagal pa bago tuluyang nag-process sa utak ko ang sinabi ni Mommy.

O to the M to the G! This is it pancit!

"Really? Thank you Mommy!" masayang sambit ko as I kissed her cheeks. Minsan lang 'to kaya lubuslubusin ko na at baka magbago pa ang isip niya! Tomorrow will be a perfect day for us!


* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now