Chapter 25

2K 83 12
                                    

Lea

"Are you really sure na nandito na sina Dawn?" I asked Vice for the fifth time while roaming my eyes around my surrounding.

Nandito kami ngayon sa Poseidon's Crest at ayon kay Vice, Dawn texted him na nandito na raw sila.

"Pinagloloko ba nila tayo? Chard texted me na they are just here somewhere." naiinis ring wika ni Aga while looking at his phone, looks like he's having a conversation with Richard.

Dahil magkatabi kami, kaagad kong inagaw mula sa kanya ang phone niya. Nakakainis na kasi, eh! Kanina pa kami naghihintay dito, ang init pa naman at maraming tao ang tumitingin sa amin.

"Babes! Give me that!" suway ni Aga at akmang aagawin ang cellphone niya mula sa'kin, pinanliitan ko siya ng mga mata and motioned him to stop.

Binaling ko ang tingin sa cellphone niya at kqagad na tinawagan si Richard, seconds later, sinagot niya naman ito.

"Oh ano, Muhlach? Suko na?" tanong niya sa kabilang linya. Sabi na nga ba at pinagtritripan kami ng isang 'to.

"Hi Richard, this is Lea. Kung gusto mo pang mabuhay, please lang, magpakita na kayo sa amin. Bibilang ako ng sampu at kapag wala pa kayo rito, humanda ka sa'kin. I'll torture you to death sa harap pa mismo ni Dawn. In one.." wika ko using my sweetest voice pero may banta, I even heard him gulped sa kabilang linya.

Gulat namang napatingin sina Vice at Aga sa'kin, I was just kidding pero sana kumagat 'tong si Richard.

"Uy Lea, ikaw naman! 'Di na mabiro! Papunta na kami d'yan!" sagot niya at halatang kinakabahan. Good. I smiled in victory at pinatay na ang tawag and handed Aga his phone na ngayo'y nanlalaki pa rin ang mata.

"Geez, babes! Tinakot mo ba talaga si Richard?" he asked at tila natutuwa pa sa ginawa ko.

"Nice one, Lei! For sure, nag-aalsa balutan na sila papunta rito! Perks of being a bribery queen nga naman!" dagdag pa ni Vice.

It's really not my intention to give Richard a threat but they pushed me to, ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pinaghihintay ako.

Before I can say a word, napangiti na lang ako nang makita ko ang mga pamilyar na mukha na naglalakad patungo sa direksyon namin.

Richard, Dawn, Ian, Jodi, Robin and Kris.

"Lea naman, hindi ka ma-joke!" Richard said and he seemed to be hesitant to approach me.

Hindi ko siya pinansin at binaling ang paningin ko sa mga babae. "Lei! Long time no see!" Dawn exclaimed at nakipagbeso sa'kin.

I smiled at her. "Oo nga, nakakamiss rin!" I said and exchanged greetings with the others.

"Uhm, baka gusto niyong doon na tayo sa villa magchikahan? Agaw attensyon tayo rito eh, ano." saad ni Vice, ngayon ko lang napansin na napapalibutan na nga pala kami ng mga tao so we decided na sa villa na lang ituloy ang chikahan at kumustahan.

Aga

"Uy, pre, 'di mo man lang kami ininform na ayos na pala kayo ni Lea!" wika ni Robin habang hinihiwa niya ang sibuyas.

Currently, we're here at the kitchen, kaming mga lalaki ang naghahanda ng dinner while the girls are preparing our mini venue (including Vice). Gusto kasi nila ng dinner by the shore kaya, pagbibigyan!

"Unexpected kasi pare. Tsaka, hindi madali makuha ulit ang tiwala niya ano, nahirapan rin kaya ako!" I said causing them to laugh. Mga loko talaga 'to eh!

Pero seryoso, lingid sa kaalaman ni Lea, may contact na kami ng barkada noon pa man. Nang umuwi ako rito, sila mismo ang sumundo sa'kin mula sa NAIA.

Mga loko sila pero mapagkatiwalaan naman. We've been friends for a decade. 

"Eh, matanong ko nga, may nangyari na ba?" Richard asked.

Gusto ko sanang umu-oo at sabihin na 'Oo, meron, kagabi.' but I remained silent. Instead, ngumiti lang ako, ngiting may pinapahiwatig.

Nag-apir naman silang tatlo. "Iyon oh! Galing mo Muhlach, naka-score ka agad!" Ian said.

"Imagine after years, ngayon lang ulit tayo nakompleto!" Jodi exclaimed as we were eating our dinner.

Gaya ng napag-planuhan, dinner by the beach nga ang hinanda nila. There's a long table at mula sa kinakaupuan namin, kitang kita ang malaparaisong dagat.

"Oo nga, we need to bond more often, right?" Dawn suggested na sinangayunan naming lahat.

We continued chatting, reminiscing about the past at kung ano-ano pa ang pinaguusapan namin.

I am in the midst of eating nang biglang sinandal ni Lea ang ulo niya sa balikat ko, nakapikit siya at tila masama ang pakiramdam niya.

Is she okay? I was about to ask that nang umahan ako ni Cae, siya ang nasa right side ni Lea habang ako naman ang nasa left.

"Okay ka lang, Mommy?" she asked her Mom, Lea opened her eyes and gave Caeleah a thumbs up.

"Of course, inaantok lang ako." she said with assurance.

"Grabe naman Aga, pinuyat mo talaga si Lea kagabi?" Richard asked at doon na nagsimula ang walang humpay na pagtutukso nila sa amin.

"Shut up Richard! Baka gusto mong totohanin ko ang banta ko!" wika ni Lea at pinanliitan siya ng mata.

"Lei naman eh, 'di ka na talaga ma-joke. Pero ano, okay ba si Aga kagabi?" he asked again, kahit medyo madilim na, kitang kita ko pa rin si Lea at namumula na ang kanyang pisnge.

Uy, nag-blublush si babes..

"Dawn, okay lang ba kung patayin ko asawa mo ngayon?" seryosong tanong ni Lea kay Dawn, gusto kong matawa sa reaksyon ni Richard na ngayo'y nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Lea at kay Dawn.

Iyan, ginalit kasi eh. Tsk, tsk. Dawn slowly nodded her head while sipping her lemmon juice.

"Go Lei! Support kita d'yan, ako na ang bahala sa memorial plan ng asawa ko." Dawn answered na tila sinakyan ang trip ng asawa ko.

Tumayo si Lea and thanked Dawn, lumapit siya kay Richard na ngayo'y nakailang lunok na, napuno ng tawanan ang boung lugar nang biglang hampasin ni Lea ng pinggan si Richard.

"Bwiset ka talaga!" she said, tumayo ako at inawat siya.

"Tama na iyan babes!" natatawa kong saad, kahit si Dawn tila nasisiyahan pa sa inabot ng asawa niya mula sa asawa ko.

Dahil may limang kwarto lang dito sa villa, we decided to share rooms instead. Nasa iisang kwarto lang ang mga bata kasama si Vice na matutulog ata sa couch, while the others are at there designated rooms.

Right now, here I am enjoying the view, mahimbing na natutulog si Lea sa tabi ko, she must be really tired afterall. After kasi ng dinner namin, nauna na siyang umakyat at nagpaalam na matutulog na raw.

I caressed her face and I kissed her forehead, as much as I am tempted to kiss her lips, 'di ko magawa dahil ayaw ko siyang pagsamantalahan habang tulog.

"I love you, babes." bulong ko kahit na alam kong malabo na marinig niya but to my suprise, iminulat niya ang kanyang mga mata niya and smiled at me.

"I love you too."


* * * * * *

Destinesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon