Chapter 42

1.6K 70 12
                                    

Lea

"Babes, can you please call Caeleah? Tell her na pumunta siya dito ngayon din." pakiusap ko kay Aga na ngayo'y nagbabasa ng libro at nakahiga sa kama namin while I'm putting on my robe.

Last night na namin 'to dito sa Italy, we'll be going home tomorrow at may pasok pa ang mga bata, Aga and I have a lot of errands to finish as well.

"Ha? Bakit?" he asked habang nakakunot ang noo.

I went to him at pumaymewang sa harap niya, "Just call her please."

Wala naman siyang ibang choice kundi sundin ang inutos ko, mahal ako niyan eh.

Tumayo siya mula sa pagkahiga at tinignan ako na nagtataka pa rin pero wala siyang sinabi, deretso lang siyang lumabas ng kwarto namin to call Cae.

Maya-maya pa, bumalik na siya kasama si Cae na ikinangiti ko.

"Hi baby, dito ka matulog ngayong gabi ah? Tabihan mo ako!" I told her na ikinanlaki ng mga mata nilang dalawa.

"Eh saan mo ako papatulugin babes?" Aga asked in disbelief, king size ang kama so pwede kaming tatlo dito.

"Doon ka sa labas." I said sarcastically, "Malamang dito rin, malaki ang kama babes! Kasya nga tayong lima dito eh!" dagdag ko pa at tumango lang siya.

"Ma, I'll go get my pillows po." paalam ni Cae, akmang aalis na siya pero hinila ko siya at kinurot ang pisnge niya.

"ARAY!" daing niya, napasakit ata so I smiled at her tsaka kinurot rin ang kabilang pisnge niya pero this time, mahina na.

"Sorry baby, you're so cute kasi!" wika ko, she looked at me na parang na-weweirduhan siya sa'kin.

"Don't tell me pinaglilihian mo ako, Ma?" she asked, napaisip naman ako dahil doon.

"Hmm, kinda.." sagot ko and the next thing I knew, napuno na ng nakaka-asar na tawa ni Aga ang silid namin ngayon.

"HAHAHAHA!!" tawa siya ng tawa pero agad ding napatigil as Cae and I both shot him a glare.

"Sorry, can't stop myself." sambit niya, "Lagot ka Cae, pinaglilihian ka ng Mommy mo so good luck na lang sayo, 'nak. Ang sakit pa naman mangurot iyan, ang hahaba kaya ng mga kuko ni babes kaya kawawa ka talaga!" pananakot niya kay Caeleah kaya agad ko din siyang binatukan.

"Silly, hindi ko naman ito-torture si Cae ah!" I said, ngumisi naman ang loko.

"But you just did." aniya. Inirapan ko siya at bumaling na lang kay Cae na ngayo'y namumula ang pisngi dahil nga kinurot ko, maputi pa naman siya kaya kitang-kita ang bakas ng mga kuko ko.

Ano ba naman 'tong ginawa ko? I feel sorry for my daughter, "Cae, sorry. Promise 'di na mauulit." wika ko while caressing her cheeks.

She giggled, "Okay lang naman po Ma na paglihian niyo ako eh, just please kapag kukurutin niyo po ang pisnge ko? Be gentle po, masisira ang beautiful face ko niyan eh!" sabi niya at nakipag-appir pa sa Daddy niya.

"Ewan ko sa'yo, alis ka na nga! Go get your pillows at makatulog na tayo!" utos ko sa kanya, she happily nodded tsaka lumabas na ng kwarto namin.

This time, bumaling naman ako kay Aga na ngayo'y nakasandal sa headboard ng kama, "At ikaw naman, please go get me a glass of water. I'm parched." I said, may advantage rin ang pagiging buntis, Aga said na puwede ko siyang utusan so susulitin ko na.

Tumayo siya at humarap sa'kin sabay salute, "Roger Ma'am!" natatawa niyang sambit as he marched palabas ng kwarto namin.

Napailing na lang ako at dahan-dahan ng naupo sa kama, sinandal ko ang ulo ko sa headboard at pumikit muna while waiting for the both of them.

"Daya, si Cae lang ang inaya mong matulog dito? Paano kami?" agad akong napadilat nang may magsalita, Ada and Ara are both standing at the door at may dala-dala silang unan, alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Bakit, gusto niyo rin ba akong makatabi mga Ate?" I asked, smiling.

Plano ko talagang kaming lima ang magkakatabi na matulog ngayon kaso nang napadaan ako sa kwarto ng kambal kanina, nadatnan ko silang natutulog na kaya si Cae na lang ang inaya ko since gising pa siya.

"Syempre Ma, para masaya ano!" Ara said, I motioned them to come inside kaya agad din silang dumamba sa kama at pinagitnaan ako.

"Sali ako!" wika ni Cae na kakarating lang at agad na humiga sa tabi ni Ara.

Nagkwentuhan kaming apat hanggang sa dumating na si Aga dala-dala ang tubig na pinakuha ko.

"Kala ko si Cae lang? Ba't nandito ang dalawang iyan?" he asked me, probably trying to piss the twins.

"Bakit Dad, hindi ba kami welcome dito?" tanong ni Ada sa kanya, umakto naman siyang nagiisip at kaulunang umiling.

"Hindi." he joked but I glared at him kaya agad din niyang binawi ang sinabi niya, "Syempre, joke lang 'yon! Kayo pa, ang lakas niyo kaya sa'kin!"

Nilagay niya ang baso sa side table at akmang hihiga na rin but he stopped when he saw our position.

"Huwag niyong ipitin ang Mommy niyo, ang lalaki niyo na kaya!" he said at sunod na sunod na reklamo ang narinig namin.

"Excuse me Dad? Kami, malaki? Eh ang se-seksi nga namin eh!"

"Oo nga, hindi naman maiipit si Mommy eh promise po!"

"Tsaka, baka ikaw po Dad iyong malaki? Ate Ada's right, ang se-seksi kaya namin!"

Napailing na lang ako while hearing their remarks. Nagkulitan pa kami at nagkwentuhan hanggang sa nakatulog na ang mga bata, including Aga.

Nakayakap si Ada sa'kin at ganoon din si Ara pero syempre, maluwag ang yakap nila at baka nga daw 'maiipit ako', Cae's sleeping peacefully, gano'n din si Aga na hindi ako tinantanan kanina makakuha lang daw ng goodnight kiss.

I smiled, they're the real treasures in my life.

* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now