Chapter 41

1.4K 61 5
                                    

Aga

"Babes, gising.."

Lea flinched a little as she moaned, one thing's for sure, napakahirap gisingin ang nag iisang Lea Salonga.

"Hmmm.." napakamot ako ng batok ko when she didn't manage to open her eyes, paano ko ba gigisingin 'to?

Instead of waking her up, tumayo na lang ako mula sa pagka-upo sa kama namin as I made my way to the door, si Caeleah na lang muna ang gigisingin ko.

Kinapakapa ko ang dingding for I was greeted by complete darkness, nang makapa ko na ang swith ng ilaw, I immediately turned it on as I walk thru the empty hallways of our house.

Next month pa kami aalis for we will be moving to our new house, madami pa kasing kaechosan si Lea at ang mga bata kaya it's still under renovation until now.

I slowly twisted the knob of Cae's room and I found her sitting at the edge of her bed, facing her laptop. Kaagad naman siyang napaangat ng tingin nang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Buti naman at gising ka na." I said, she nodded as she close her laptop.

"Yes Dad, actually, hindi ako natulog! I can't contain my excitement kasi eh, I can't wait to roam the streets of Italy!" she chirped happily, napailing na lang ako while smiling.

Bukas ng gabi, we'll be flying to Italy. We're going to Milan to be exact as what they suggested at maganda raw doon.

"Oo na, basta matulog ka mamaya ah?" bilin ko at tumango naman siya.

"Sige, I'll go wake your Mom. Can you please go get the cake downstairs?" pakiusap ko, it's 11:42 pm and we're planning to surprise the twins.

Maya-maya kasi, January 21st na and it means, it's their 19th birthday. Ang tatanda na nila.

"Aye, aye, Dad!" sagot ni Cae as we both went out of her room, dumiretso siya sa baba while I went to our room and I was surprised nang mapansin kong wala na si Lea sa higaan namin.

Asan iyon?

I roamed my eyes and the lights are on inside the bathroom, bukas rin ang pinto so she's there inside. Buti naman at gising na siya.

Lalabas na sana ako ulit upang sundan si Cae sa baba pero agad ding napatigil when I heard strange noises coming from the bathroom. Is Lea vomiting inside?

Out of curiosity, pumasok ako ng banyo namin and questions I have in mind were answered, nagsusuka siya sa inidoro habang nakasquat na nakaupo sa sahig.

"Okay ka lang, babes?" I asked her worriedly as I went to her direction and caressed her back, anong nangyayari sa kanya?

Pansin ko lang, nitong mga nakaraang araw, palagi siyang nagsusuka at madaling mapagod. Nahihilo rin pala minsan, may sakit ba siya?

Maya-maya pa, natapos na siya as she gargled some water wiped her mouth using a tissue bago bumaling sa'kin.

"Ikaw kaya magsuka d'yan ng ilang minuto, tingin mo, magiging okay ka lang?" she asked sarcastically, napailing na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng banyo.

"Palagi kang nagsusuka, okay ka lang ba talaga o may sakit ka?" tanong ko, she looked back as she shot me a glare.

"Wala." wika niya as she sat in front of her vanity mirror and started brushing her hair.

"Moody mo masyado babes, monthly period ba?" tanong ko habang nakangisi, out of a sudden, may dumampong suklay sa noo ko kaya agad naman akong napasapo dito. What the?

I took a glance at Lea na ngayo'y nakangisi, wooden brush ba naman ang tinapon sa noo ko at ang mas masakit, bullseye pa!

"Ang sakit 'nun babes ah, oo na 'di na ako magtatanong kung dinatnan ka ba ng mon--" I stopped mid sentence nang akmang ibabato ni Lea ang bote perfume niya sa'kin.

"Hep, tama na! Masakit babes, sinisira mo lang ang kagwapuhan ko." sambit ko habang hinimas-himas ang noo ko, before she can answer, Cae barged inside our room holding the box of cake I bought for her sisters earlier.

"Ma, Dad, it's 12:00 am na po! Let's go na!" pag-aya niya, we both agreed as we made our way to Ada's room kung saan silang dalawa natulog.

I slowly opened the door as Lea turned on the lights, Cae is holding 3 helium balloons while Lea is holding her phone to take some pictures habang ako naman ang tagahawak ng cake na may dalawang kandila na.

"1, 2, 3, sing!" Lea instructed us as we started to sing, 'Happy Birthday'.

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!" we sang habang unting-unting nagmulat ng mata ang dalawa, we went to their direction at agad na lumundag sa kama nila si Cae.

"Happy Birthday Ate Ada, Ara! I love you both, I'm really lucky to have the best sisters in the world!" wika niya while hugging her sisters, Lea took some pictures habang ako naman, nakangiti lang habang nakatayo while watching them.

"Thank you Cae, we love you too!"

"Ang tatanda niyo na!" I joked as they both threw me a death glare, like mother like daughters nga naman!

"Joke, kayo naman! Blow your candles first!" pambawi ko as they both leaned to blow their candles.

"Happy Birthday twins!" bati namin ulit after they finally blew their candles.

Umupo si Lea sa kama as she hugged them, "Happy Birthday mga Ate! I'm so lucky to have the both of you!"

"Thanks Ma!" sagot ni Ada, "Gift namin, asan?" she asked while chuckling.

"Oo nga!" Ara added, Lea shrugged her shoulders at tumayo na.

"I'll go get it, teka lang." sambit niya habang ngumingiti at lumabas ng kwarto ni Ada.

Nagtaka naman ako dahil dun, akala ko ba, bibigyan niya lang ng pera 'tong dalawang 'to at dun sila magwawaldas sa Italy?

"Ano kayang gift ni Mommy? Sana kambal, sasakyan!" sambit ni Ara.

"Uy, anong sasakyang pinagsasabi niyo?" tanong ko tsaka nilapag ang cake sa study table ni Ada as I sat at the edge of the bed.

"Eh kasi Dad, gusto namin magkaroon ng sarili naming kotse!" sagot ni Ada na ikinangiti ko.

Well, I'm planning to give them a car so it would be perfect!

Maya-maya pa, dumating na si Lea, holding a small box, umupo siya sa tabi ko as she handed me the box. Luh, kala ko ba para sa kambal 'to?

"Ma, kala ko ba para sa amin?"

"Actually, hindi lang para sa inyong dalawa iyan Ads. Para sa inyong lahat iyan." she said, "It's simple but I know na matutuwa kayo once you guys open it." dagdag pa niya.

Kumunot naman ang noo ko, ano kayang laman nito?

"Open it Dad!" Cae said, tumingin ako kay Lea na ngayo'y nakangiti exposing her dimples.

"Anong laman nito babes?"

"Gusto mong malaman? Edi buksan mo."

I slowly opened the box just like what she wants me to do, literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang nasa loob.

A pregnancy test with two lines in it.

Buntis siya?

I looked at her, she's still smiling while here I am, speechless.

"I'm pregnant!" she announced and the next thing I knew, I leaned closer to kiss her as the girls squealed in happiness upon hearing their Mom's announcement.

Hindi ko birthday pero, this is the best gift I have ever received!

* * * * * *

Destinesia Where stories live. Discover now