Si Kalasag at ang Naka-kadenang Amihan

1.5K 33 8
                                    

Pagdating ni 'Kalasag' sa kulungan ni Amihan, bigla siyang napatigil sa nasaksihan. Kay ganda ng reyna ng mga diwata --- kahit ito'y naka-kadena.

Biglang may nabuhay sa loob ng lalaki sa tanawing nasa harapan niya. Ano't parang may tuwang hindi niya maipaliwanag na dulot ng katayuan ni Amihan ngayon? Hindi niya namalayang nagising na pala si Amihan at napansin siyang nakatayo sa harapan niya.

"Sino ka?" tanong ni Amihan.

"Ah... Amihan. Si Ybarro 'to," gulat na sagot ng prinsipe. Hindi pa nga pala siya nagpapakita sa diwata na suot ang kalasag niya.

"Ybrahim? Ano't nakasuot ka ng ganyan?"

"Mahabang kwento, Amihan. Ang mahalaga ay nandito na ako upang iligtas ka."

Hinintay ni Amihan na pakawalan siya ni Ybrahim ngunit nanatili itong nakatitig sa kanya.

"Ybrahim? Pakawalan mo na ako. Kailangan pa nating sagipin si Lira."

"Ah. Oo nga. Oo nga." Muntik pang madapa si Ybarro bago niya puntahan ang reyna at tanggalin ang mga posas nito.

Laking pasalamat ni Kalasag na natatakpan ng kanyang maskara ang pamumula ng kanyang mukha.


[Wakas. <3]




SolarLantern

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now