Tula No. 2

1K 21 3
                                    

Written by: Mikee Jenine


Ako'y nanaginip, at doon kita'y aking nakilala
Isang tagpong hindi ko inakala.
Labis akong namangha,sa taglay mong ganda
Na tila ba isang anghel,na bumaba sa lupa;

Ngunit ako'y nagising,na hindi ikaw ang kapiling
Kundi ang babaeng unang umibig sa akin.
Nagdaan ang mga araw,ng kita'y masilayang muli
Hindi sa panaginip,ngunit hindi rin sa magandang sandali;

Hindi ko mawari,at hindi ko maintindihan
Ayoko siyang saktan, at ayaw din kitang mahirapan;

Sadya nga bang mapaglaro ang tadhana,
Lumayo ako sa iyo, at sa kanya.
Pero bakit kita'y aking muling nakita;

Pilit ko mang itago, ang nilalaman ng aking puso.
O, aking Reyna ako ay nabihag mo.

------

Sa kanyang pagbabalik, muli ako'y napaisip
Kung ikaw nga ba, Oh siya ang aking tunay na iniibig.
Tuwing siya'y aking kapiling, ika'y nasa aking isip pa rin.
Mahal ko siya aking sinta, ngunit iniibig rin kita;

Bakit ganito ang nadarama,
Gusto ko siyang makita,
Ngunit hiling ko rin ika'y makasama.

Iniwan niya ako,
At ikaw rin ay lumayo.
Tanong ko kay bathala, bakit tayo nagkaganito;

Ninais ko lang naman makita, ang kanyang mga ngiti.
At inaasam ko'y mahagkan ang iyong labi.



[Wakas.]

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now