Ang Sinasabikang Araw

1.1K 28 8
                                    


Isang magandang umaga ang sumalubong sa Encantadia. Tila nga na nakiki-ayon ang panahon sa mahalagang pagdiriwang ngayon, at pati mga pashnea ay umaawit ng mga himig ng pag-ibig para sa dalawang nilalang na mag-iisang dibdib.

Labis ang tuwa ng lahat dahil sa wakas umabot na rin dito ang magsing-irog. Naging mapait man ang kanilang simula at sinubok man sila ng mga pangyayari, masaya't puno ng pagmamahalan naman ang kanilang wakas--hindi. Mali. Hindi wakas. Kundi ang simula ng panghabang buhay nilang pagsasama.

Hindi na katakataka na suportado ng kanilang nasasakupan silang dalawa pagkat sa simula pa lamang ay tanggap na ng mga ito at lihim na nanabik sa kung kailan pagbibigyan ng rehav at ng sang'gre ang kanilang mga sarili na magsama ang kabiyak ng kanilang puso.

Sumali din si Bathalang Emre sa kasiyahan ng araw na ito upang mabasbasang muli ang dalawang nilalang na alam niyang itinakda para sa isa't isa noon pa lamang. At bilang regalo sa magsing-irog, isinama ni Bathalang Emre ang kanilang mga magulang, si Ades, at si Kahlil upang sumali sa seremonyas ng pag-iisang dibdib ng dalawa.

Mababakas sa mukha ng rehav ang saya dahil narito na--narito na ang araw na kanyang pinakahihintay. Ang hirap at mga pagsubok na kanyang pinagdaanan ay walang-wala sa kaligayahan niya ngayon, lalo na sa pananabik na matawag na 'Aking Asawa' ang diwatang nagmamay-ari ng buong buhay at puso niya.

Bakas din sa mukha ng diwatang sang'gre ang walang humpay na kaligayahan na maikasal sa harap ni Bathalang Emre ang lalaking akala niyang hindi kailanman magiging kanya. Simula sa araw na ito, ibibigay niya ang buong sarili sa lalaking kanyang magiging asawa. At ang kanyang anak, mga kapatid, kanilang magulang, kaibigan, at mga nasasakupan bilang kanilang saksi.

Parehong lumuha ang dalawa sa labis na kaligayahan. Parehong malaki ang ngiti at kumikinang ang mga mata.

Ito na. Narito na. Ang simula nilang dalawa.

"Aking ikinalulugod na ipinakikilala sa inyo ang bagong kasal at ang bagong Hari at Reyna ng Sapiro - Ybrahim at Amihan."




[Wakas.]



A/N: Special shout out to Ms. JoyEqualsLove for the story request.😃👋 3rd story after Ang Damdamin ni Rehav Ybrahim at Ang Kalungkutan ni Sang'gre Amihan.




ReikoN

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now