Mga Paslit na Sang'gre

1.6K 41 8
                                    

A/N: My longest one-shot, yet.Ang weird tawaging Ashti si Amihan.^^

.

Nagkakagulo sa labas ng Lireo. Ayon sa ulat, ginawang bihag ni Pirena at ng kanyang tapat na dama ang enkantadang si Lira. Kadarating lamang ng hara mula sa mundo ng tao upang sunduin si Mira nang umabot sa kanya ang ulat. Nabahala si Amihan nang marinig ito at agad na nagpunta sa pinangyarihan ng kaguluhan.

"Pirena! Ano sa palagay mo ang iyong ginagawa sa isang inosenteng enkantada?!" Sunud-sunod ang pagsigaw ng mga naroroon pagkakita sa kanya.

Narining niyang suminghap si Mira sa kanyang tabi. "Lira!"

"Mira!"

Kung nagulat sila na magkakilala ang dalawa, hindi nila ipinahalata. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas mula sa kamay ng kapatid ang enkantada. Batid din ni Amihan ang pagkagulat ni Pirena nang makita ang sariling anak at ang pangungulila nito rito.

"Ashtadi! Pakawalan mo siya, Pirena!" Galit na sambit ni Mira, sabay lapit rito at agad na kinalaban.

Ang ginawa ni Mira ang naging hudyat upang mapagkaisahan sina Pirena at Gurna. Ngunit, hindi sila handa nang may mga Hathor din na umanib sa taksil na kapatid.

"Hindi ko akalain sasama ka ulit sa iyong amang haring huwad, Pirena." Sarkastikong sambit niya rito. "Nakakaawa ka, kapatid ko, dahil umanib ka ulit sa taksil mong ama. Ngunit, nababatid kong hindi na iyon kataka-taka. Taksil ka at taksil din siya. Nararapat nga na magsama kayong dalawa."

Hindi nagustuhan nito ang tono niya na ikinagalit lalo nito. Ngumisi siya. "Bakit Pirena? Totoo naman, hindi ba?"

"Ssheda, Amihan!" Sumugod muli ito sa kanya. Nasangga niya ang patalim, at agad na lumapit upang piitin ang leeg nito.

"Sa tingin mo ba hindi ako matututo sa iyong kataksilan, Pirena?" Malalim at matigas niyang paalam rito. "Hinding-hindi mo na muli ako mauuto." Siniko niya ang batok ng kapatid upang mapatulog. "Magpasalamat ka't iyan lamang ang inabot mo sa akin." Liningon niya ang pinakamalapit na kawal, sabay sabing itali at ikulong ang nakahandusay na kapatid.

Unti-unting humupa ang kaguluhan. Nakahinga siya nang maluwag pagkakitang walang nasaktan sa panig nila at sa kanyang si Mira at sa enkantada. Natuwa siya nang magyakapan ang dalawa, at mula sa kanyang kinatatayuan ay masayang nagbatian ang dalawang dalaga.

Ngunit, nawala din ito pagkat bumangon si Gurna. Tila bumagal ang oras. Inakala niyang huli na ang sigaw siya upang balaan si Lira, ngunit, nasilaw sila sa liwanag na bumalit sa paligid.

Humupa ang sinag. Isang enkantado ang sumangga sa sandata ng dama ni Pirena.

"Kahlil!" Kumurap siya. 'Kilala ng enkantada ang aking hadia?'

Ngumiti ang lalaki rito bago hinarap muli si Gurna. "Isa lamang ang pinakaayaw ko, dama, at ito ay ang masaktan si Lira." Nabatid niya ang matalim na tono ng hadia. "Dahil hindi ako makakapayag na may manakit sa pinakamamahal kong apwe!" Sabay suntok sa ilong na ikinatumba ng dama.

ØØØ

Humiyaw si Lira at niyakap ang lalaking nagtanggol sa kanya. Kung gaano kabilis niyang nilapitan ang kapatid, ganoon din kabilis siyang lumayo. "Sandali, Kahlil, kilala mo ba ako?" Naniniguro niyang tanong. Makailang beses na din siyang nadismaya sa taas ng pag-asa niya, kaya hindi siya masisisi kung may pagdududa siya.

Ngumiti ito. "Maaari ko bang makalimutan ang sarili kong apwe?"

"Apwe?" Pagtataka niya. Hindi niya alam ang meaning nun.

"Kapatid ang ibig sabihin noon, Lira." Paliwanag sa kanya ni Mira.

"Ah! 'Yun pala." Lumiwanag ang mukha niya. "Kung ganoon ay kilala mo ako, Kahlil?"

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now