Sa Wakas

1.2K 32 9
                                    


Matapos ang gera laban sa Etheria ay tuluyan na ngang nagising ang diwa ni Amihan sa katawan ni Ariana. Natuklasan na rin ng mga sanggre na buhay si Amihan sa katawan ni Ariana.

Lumapit si Pirena kay Amihan at inilabas ang kanyang brilyante.

"Amihan, may handog ako sa iyo," ani Pirena.

"Ano iyon, kapatid ko?" tanong ni Amihan.

Hindi na nagsalita si Pirena. Bagkus ay itinutok niya ang brilyante ng apoy kay Amihan at napalibutan ito ng pulang liwanag.

Nang lumisan ang liwanag kay Amihan, laking gulat na lang niya na nagbalik na ang kanyang tunay na wangis. Hindi na si Ariana ang nakikita niya sa salamin kung hindi ang tunay niyang mukha --- ang tunay niyang sarili.

Hindi niya magawang makahanap ng salita para pasalamatan ang nakatatandang kapatid, at hindi na rin siya pinagsalita nito.

"Huwag ka nang mag aksaya ng oras dito, Amihan," mataray ngunit nakangiting sambit ni Pirena. "Alam mo kung saan ka dapat magpunta."

"Sa wakas," sambit ni Amihan nang magsimula na siyang maglakad papuntang Sapiro, "makakasama na kitang muli, mahal kong... Ybrahim."

SolarLantern
Copyrights 2017
Plagiarism is a crime.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 09, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

YbraMihan One ShotsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant