Panaginip

1.3K 33 7
                                    

[AC: Sorry guys I tried 😂😂]
[Just wanna thank bes Pam for pushing me to write this story]
[And thanks to the other authors, Kuya Raydon, Ate Ecarg, Ate Mikee, Ate Virginia, and of course, Bes Pam, Thank you for making this work! 😆😆]




~~~~~PROLOGUE~~~~~


"Ano? Talo ka nanaman, paano ba yan?", tanong ni Ybrahim.

"Anong 'nanaman'. Pangatlong beses mo palang naman akong natatalo Ybrahim.", sagot ni Amihan.

"Nagpapatalo talaga ako para sa iyo."

"Kung alam ko lang, hindi mo talaga ako kayang matalo", pang-aasar ng reyna.

"Hinahamon mo ba ako, aking reyna?"

"Paano kung sinabi kong oo? Anong gagawin mo?"

"Sige pagbibigyan kita diyan, kailan mo ba gusto?"

"Bukas ng gabi."

"Masusunod aking reyna.", sagot ni Ybrahim na may kasamang ngiti.

"Mag-uumaga na at kailangan mo nang gumising. Avisala aking prinsip--- Hari."

"Avisala aking reyna."


-------------------------------------------------------------------------------------------------



Nagising ng may ngiti sa kanyang mukha si Ybrahim sa kanyang silid, ngunit agad itong napawi nang makita niya ang tambak-tambak na mga dapat gawin sa araw na iyon. Kailangan niyang pumunta sa mga Barbaro upang kausapin si Wahid, magsanay ng mga bagong kawal kasama nina Alira at Wantuk, at higit sa lahat kailangan niya pang mag-ulat sa bagong reyna ng Lireo na si Danaya.

3 buwan na ang nakakalipas, isang balita ang kumalat sa buong Encantadia, isang araw na puno ng pag ulan, kadiliman at walang simoy ng hangin ang mararamdaman sa buong lupain.

Nang malaman ni Ybrahim ang balitang ito, agad siyang nagtungo sa Lireo, at nanghina agad siya sa kanyang nasilayan. Si Amihan, ang reyna ng mga diwata, na nakasuot ng puti st nakahimlay sa kanyang kama. Lahat ng mga Adamyan, Sapiryan at mga taga Lireo ay nagdadalumhati sa pagkamatay ng isa sa mga pinaka magaling na reyna. Ngunit isa ang pinaka nasaktan sa kanilang lahat.

"Danaya anong nangyari?! Ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay?!", tanong ni Ybrahim

"Mayroong mga sumugod na hathor kagabi, sinubukan namin silang labanan ni Amihan ngunit natamaan siya ng isang nagliliyab na palaso sa kanyang dibdib." , sagot ni Danaya

Pinilit magpaka-tatag ni Ybrahim para sa janyang nasasakupan ngunit lingid sa kaalaman ng iba, durog na durog na ang puso nito.

Hindi na ito pala labas ng kanyang silid, madalas ay hindi na ito nakakakain at kapansin pansin ang iglang tamlay nito.

Pero lahat ng ito ay nagbago, dahil sa isang panaginip. Isang gabi, nagpakita si Amihan sa kanyang panaginip.

"Avisala, mahal kong hari", bati nito sa kanya.

"Amihan? Amihan!" Tumakbo ito palapit kay Amihan at niyakap ito.

"Ybrahim. Paumanhin, dahil hindi ako nakapag paalam sa iyo bago ako mamatay, alam mo na hindi ko alam na susugod ang mga hatho---

Hindi na pinatapos ni Ybrahim si Amihan sa pagsasalita, agad niya itong hinagkan sa kanyang labi.

"Wala kang dapat ipagpaumanhin aking reyna"

"Meron Ybrahi---

"Shhhh, tama na Amihan. Hindi ako galit o anuman. Masaya akong nagkita tayong muli"

"Ako rin, ngunit hindi ako pwedeng magtagal, kaylangan ko pang bumalik sa Devas, nanghingi lamang ako ng isang pagkakataon kay Bathalumang Emre upang tayo'y magkasamang muli."

"At gaano katagal ang ibinigay niya?", tanong ni Ybrahim

"Isang linggo"

"Sapat na iyon"

Lumipas ang huling anim na araw na parang wala lang, napuno ito ng kasiyahan, katuwaan at pagmamahalan. Ngayon na ang huling gabi na sila'y magkikita.

"Ybrahim?, ayos ka lamang ba?"

"Oo naman Amihan."

"Gusto lamang magpasalamat"

"Magpasalamat saan?"

"Magpasalamat sa lahat, mula pa noong una, noong nanakop ang mga Hathor, noong bumagsak ako at ang buong Lireo, salamat sa laging pag-aalala sa amin, at salamat sa iyong pagmamahal. Gusto kong humingi ng tawad sa mga mali kong nagawa sa iyo noon, ang paghandlang ko sa inyo ng ua mong mahal. Sana ay maging mabuti at magaling kang hari, huwag mong pababayaan ang iyong sarili at sana lagi mong tandaan na may isang diwatang nagmamahal sa iyo. Hindi man para sa atin itong buhay sa ito, pero sana sa kabilang buhay ay tayo na. Tandaan mo Ybrahim nandito lang ako binabantayan ka at si Lira, huwag mo siyang pababayaan. Hindi ako titigil na maghintay at magmahal sa iyo Ybrahim, malungkot man pero hanggang dito nalang tayo. E corre diu aking Hari."

"Amihan....."

"Paalam, Ybrahim"

"Huwag mong sabihing, paalam. Hanggang sa magkita tayong muli aking reyna"

"Hanggang sa magkita tayong muli."



Totoo nga ang sabi nila, kung saan nag-umpisa ang isang bagay, doon din ito matatapos. Nagsimula sa isang panaginip, natapos sa isang panaginip.



LazyNinja
Copyrights 2016
Plagiarism is a crime.








YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now