Delubya ng Paghihimagsik ng Isang Ina

1K 31 3
                                    

"Ether! Arde! Utang na loob, ibibigay ko anuman ang nais ninyo huwag mo lamang sasaktan ang aking anak. Para ninyo ng awa." Nagsusumamong sigaw ni Amihan.

"Ibibigay lamang namin ang iyong pinakamamahal na anak kung ibibigay mo kay Hagorn ang inyong mga brilyante. Nang sa gayon ay makuha mo ng ligtas ang iyong anak, Amihan." Nasisiyahang turan ni Arde.

"Ibibigay ko ang aking brilyante ngunit hayaan mo na sa aking mga kapatid ang kanilang brilyante. Para ninyo ng awa Arde, pakawalan niyo na si Lira. Nangangako ako na ibibigay ko ang aking brilyante sa oras na pakawalan mo si Lira." Pagmamakaawa niya.

Ngunit, ang kanyang mga kapatid ay handa nga bang isakripisyo ang kanilang brilyante para sa buhay ng tagaligtas ng Encantadia? Kasihan nawa ni Bathalang Emre ang kanilang desisyon na ibigay kay Hagorn ang kanilang mga brilyante. Laking gulat ni Amihan ng ilabas ng kanyang tatlong kapatid ang kanilang mga brilyante upang ibigay kay Hagorn.

"Pirena, Alena, Danaya, anong ginagawa ninyo? Bakit ninyo ibibigay ang inyong mga brilyante? Hindi ko mababayaran ang gagawin ninyong ito." Hilam sa luhang pahayag niya.

"Sa panahong halos malugmok ka ng dahil sa aking kasakiman Amihan, marapat lang na matulungan kita ngayon. Babalik ang aking brilyante kung ito ay para sa akin. Hindi ako papayag na ibuwis mong muli ang iyong buhay. Tinanggap mo ako ng dalawang kamay Amihan. Maluwag sa loob ko ang gagawin kong ito." Matigas na pahayag ni Pirena.

"Sa panahong halos ika'y aking kasuklaman Amihan dahil inakala ko na inagaw mo na sa akin ang lahat, bukas pa rin ang dalawa mong kamay upang tanggapin ako at tulungang makabangon muli. Hindi ito kabayaran sa iyong nagawang kabutihan bagkus ay maluwag sa aking kalooban ang gagawin kong ito." Sabay ang patak ng luha ni Alena.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakripisyo mo para sa aming tatlo, Amihan. Ang kabutihan, ang pagiging malambot ng iyong puso, at ang handang magbuwis ng buhay para sa nakararami, hayaan mo kaming makabawi man lang dahil bukal sa aming kalooban ang gagawin naming ito." Matigas ngunit nanaig ang lambot sa puso ni Danaya.

Hirap man ngunit sa puso ng bawat isa ay ang laban ng isang ina na handang gawin ang lahat para sa kaisa-isang tagapagligtas ng buong Encantadia. Natutunan ang kababaang-loob na kailanman ay hindi mababayaran. At sa kanilang pagsasanib pwersa nawa'y magtagumpay ang lahat.

"Magaling, magaling! Madali naman pala kayong kausap mga Sang'gre. Ngayon, utusan ninyo ang inyong mga brilyante na mapasa sa aking kamay ito." Nakangising turan ni Hagorn.

Ngunit sa kanilang mga isip, tila naiintindihan ng bawat isa ang pinong galaw na tila may ipinahiwatig. Nauna ang tinatawag nilang may mahinang kalooban si Alena, ngunit may isang lihim na ngiti. Sumunod ay si Danaya ang siyang pinakapasaway at huli ay tusong si Pirena. At sa paglapit ni Amihan tila may mga sariling isip na kumilos ang bawat isa gamit ang natatanging kapangyarihan nila, ang ivictus.

Nilapitan ni Alena si Lira, si Pirena kay Ether, si Danaya kay Hagorn at si Amihan kay Arde. Mabilis na nakuha ni Alena si Lira upang ibigay kay Ybrahim ni tiniyak ang kaligtasan ng anak. At muling nagsimula ang digmaan sa pagitan nina Amihan, na pawang hindi padadaig ang bawat isa. Ngunit tila nakalimutan yata ni Amihan si Paopao, na siyang dahilan upang hindi mamalayang nakalapit na pala ito kina Ybrahim at Lira.

"Inay!!"

Sa siyang paglingon ni Amihan, hawak-hawak ni Paopao si Lira. Gamit ang bilis upang makarating kay Paopao, ngunit taglay ng brilyante ni Paopao ang kakayahang ito ni Amihan kung kaya't mabilis itong nakabalik kay Hagorn.

"Amihan, ako'y inyong pinaglaruan at sa akala ninyo kami ay inyong malilinlang? Nagkakamali kayo, mga Sang'gre." Galit na galit na turan ni Hagorn.

YbraMihan One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon