Naninibughong Mga Magulang

1.3K 27 2
                                    

A/N: What if...

"Liraaaa!"

Tumakbo si Danaya at agad na niyakap ang nasaksak na hadia. Hindi siya makapaniwala. Si Kahlil, ang anak ni Alena, pa ang nanakit sa sarili nitong kadugo.

"A---ashti..." Mahina at malamya ang tinig ng kanyang hadia.

"Huwag ka ng magsalita pa, Lira. Gagamutin kita." Nilabas niya ang brilyante ng lupa ngunit hindi nito sinunod ang kanyang utos. Nataranta siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi maaaring mamatay si Lira. Hindi.

Ngunit, huli na ang lahat. Tuluyan nang nawala ang hininga ni Lira. Inalog niya ito ngunit wala ring nangyari.

Bumaling siya kay Kahlil at galit na hinampas ang pamangkin.

"Bakit?! Bakit Kahlil?!"

Hindi niya namalayan ang pagdating ng kapatid na reyna at ang tulala nitong paglapit sa anak. Niyakap ni Amihan si Lira.

"Lira... Lira, anak, gumising ka. Hindi magandang biro ito. Lira!" Bumuhos ang luha ng isang ina at sumigaw sa kalangitan. "Emre! Bakit ninyo hinayaang mangyari ito sa aking anak?! Bakit?!"

"Hindi ito maaari... huli na." Naninibughong sambit ng kadarating na unang reyna ng mga diwata.

"Ninunong Cassiopeia..." Nagkatinginan silang dalawa at litaw ang hinagpis na nadarama sa pagkawala ng tagapagligtas ng Encantadia. At nagulat si Danaya sa paglitaw ng kapatid na si Alena.

"Anong nangyari..." Naudlot ang katanungan ni Alena nang mahagip ang anak. "Kahlil! Salamat kay Bathalang Emre at narinig niya ang aking panalangin! Ngunit... bakit may mga pasa ka? Ikaw ba ang gumawa nito, Danaya?! Tama ba si Bathalumang Ether na pinagkaisahan ninyo ang aking anak?!" Galit na tanong ng kapatid.

"Alena, huwag kang bulag! Kung napagkaisahan ko man si Kahlil, ito ay dahil sinaktan at pinatay niya si Lira!! Tingnan mo ang lagay ngayon ng ating hadia! Hayan siya nakalupasay sa lupa. At ang dahilan ay si Kahlil!" Sumbat ni Danaya sa kapatid.

"Nagsisinungaling ka, Danaya."

"Hindi siya nagsisinungaling, Sang'gre Alena. Tunay ang kanyang tinuran. Isinumpa ang iyong anak. Si Kahlil ang nakatakdang magpahamak at pumaslang kay Lira. Humihingi ako ng tawad sa inyong lahat, lalo na sa inyong dalawa ni Prinsipe Ybrahim, Amihan, dahil hindi ko nagawang baguhin ang kapalaran ni Kahlil. Hindi kayang kalabanin ng aking kapangyarihan ang mayroon si Bathalumang Ether."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. Maliban sa paghikbi ng isang ina sa nawalay na anak. Ganito sila natagpuan nina Aquil at Ybarro na naghahanap sa kanila.

"Amihan!" Tumakbo ang prinsipe palapit sa kanyang mag-ina, at laking gulat niya sa nakitang nangyari kay Lira.

"Anong nangyari? Lira..." Sabay alog sa anak, "Lira, gumising ka. Bakit—ano--?" Hindi matapos ng prinsipe ang kanyang nais sabihin. Tumingin siya kay Amihan at hindi siya handa sa mga nakita sa mga mata nito. Nanlamig pareho ang kanyang puso at katawan.

"Hindi... Danaya! Ano pang ginagawa mo? Madali ka't gamutin mo si Lira!"

Ngunit hindi sumunod ang sang'gre. Bagkus ay namuo muli ang mga luha sa mga mata nito.

"Danaya!!"

"Patawad, ngunit, hindi na maaaring magamot si Lira ng aking brilyante, Pagkat wala---"

"Huwag mong sabihin iyan!" Lumapit siya rito at nilagay ang mga kamay sa mga balikat nito. "Danaya, pakiusap. Iligtas mo si Lira. Hindi ba't nabanggit ni Lira dati na napaslang na siya ni Hagorn. May nagawa ka upang mabuhay siyang muli. Ano iyon? Kukunin ko iyon ngayon din mailigtas ko lang ang aming anak. Nakikiusap ako..."

"Patawad. Ngunit isa lamang ang gintong binhi ng mga Mulawin, at nagamit na ito kay Lira dati. Patawad talaga." At bumuhos na ang luha ni Danaya. Niyakap ito ni Aquil upang maging sandalan nito.

Unti-unting lumuhod sa lupa ang naninibughong ama. "Anong nangyari...?"

Walang may lakas ng loob na sabihin kay Ybarro na sarili niyang anak ang pumaslang sa isa.

"Tinatanog ko kayo. Anong nangyari?! Sinong may gawa nito kay Lira?!" Galit niyang sambit.

"Ybrahim..." Mahinang tawag ni Amihan sa kanya. Bumaling siya rito at nasa mga titig nito ang pakiusap na huwag niya nang alamin kung sino ang may sala.

"Cassiopeia." Tawag ng prinsipe. "Ikaw ay Mata. Sabihin mo sa amin ang ibang paraan upang mabuhay muli si Lira."

"Hindi ko alam, Prinsipe Ybrahim." Malungkot na sagot nito.

"Bakit hindi mo alam? Matagal ka nang nabubuhay dito sa Encantadia kaya may alam ka dapat sa mga bagay-bagay."

"Huwag mo siyang sumbatan, Ybrahim." Sabat ni Danaya.

Pagsasabihan sana niya ito nang sinigaw ni Amihan ang kanyang ngalan.

"Mga retre. Hindi! Umalis kayo!" Pilit na itinaboy ng prinsipe papalayo kay Lira ang mga ito.

"Hindi niyo maaaring kunin sa amin si Lira!" Sigaw ni Amihan.

"Amihan, umalis na tayo dito!"

Pagkaalis nila, ay siyang pag-iyak ng langit. Malalakas na mga kulog at kidlat ang pumuno sa kalangitan.

"Masamang pangitain."

"Anong ibig mong sabihin, Ninunong Cassiopeia?"

"May delubyong paparating sa buong Encantadia."





[Wakas.]



ReikoN

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now