Paglaglag ni PaoPao

1.2K 40 12
                                    

A/N: What if nilaglag din ni PaoPao si Kuya Ybarro?



"Mahal ni Kuya Ybarro si Ate Amihan!!"

.

.

.

"ANO?!!"

Madaling pinuntahan ni Ybarro ang nagbulgar ng kanyang sikreto at tinakpan ang bibig.

"Agape avi kay PaoPao. Bata lamang siya." Sabay sa pagpilit ng tawa.

Ngunit hindi naniwala ang mga panauhin sa kanyang sinabi. Gilalas pa rin ang mga mukha ng karamihan sa narinig.

"Poltre, ngunit papatulugin ko na si PaoPao. Magpatuloy lamang kayo sa kasiyahan." Binuhat ng prinsipe ang bata at dali-daling umalis sa pagdiriwang. Sinikap din niya na huwag tumingin kay Amihan na ilang hakbang lamang ang layo kay PaoPao.

Pagkapasok sa silid, iniupo niya sa kama ang bata at nagpalakadlakad dulot ng hindi mapakaling damdamin.

"Bakit mo sinabi iyon, PaoPao?! Alam mo bang hindi pa ako handang malaman ni Amihan ang aking nararamdaman?"

"Pasensiya na po, Kuya Ybarro. Ikaw din naman kasi may kasalanan. Ang slow mo."

"Anong slow? Sandali, kanino mo nalaman ang pag-ibig ko para kay Amihan?"

"Slow, iyong mabagal po. At sa'yo ko po nalaman iyon, Kuya Ybarro. Noong nag-uusap po kayo nina Wantuk at Tatay Apitong."

"Hindi ka pa pala tulog noon?"

"Hindi po."

Binagsak niya ang katawan sa kama. Hindi siya makapaniwala na alam na ni Amihan ang totoo nang hindi pa siya nagtatapat. Tinakpan niya ang mukha ng unan nang mahigpit. Wala na siyang mukhang maihaharap kay Amihan.

"Kuya Ybarro, 'wag po kayo mawalan ng pag-asa. Hindi po ba, mahal naman kayo ni Ate Amihan?"

Hinablot niya ang unan sa kanyang mukha. At litaw ang panlulumo sa kanyang mga mata.

"Iyon na nga PaoPao. Hindi na ako sigurado kung may pagmamahal pa si Amihan para sa akin."

"Sa tingin ko po meron pa po. Ay hindi. Alam ko po pala."

"O? Paano mo nalaman?"

"Kasi hindi ka naman susundan ni Ate Amihan dito sa kwarto kung hindi ka na niya mahal, di ba?"

Nanlaki ang mata niya at agad tumingin sa pintuan. Nandoon, nakatayo ang diwatang bumihag sa kanyang puso.

"Amihan..."




[Wakas.]



ReikoN

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now