Hangin

741 18 2
                                    

Pagkatapos nga ng pangyayari sa pagitan ni Ariana at Ybrahim ay napaisip ang Rama. Nagtaka siya kung bakit naalala niya kay Ariana ang diwatang iniibig niya.

Habang pabalik sila ng Lireo ay hindi maalis ni Ybrahim sa kanyang isip ang mga nangyari. May dahilan sigurado kung bakit nagagaya ni Ariana ang mga atake ni Amihan, maaari bang konektado ito sa sagisag ng brilyante ng Hangin? Bakit niya naaalala si Amihan kay Ariana?

.
.
.

Pagkatapos ng kanilang pagpupulong sa Lireo ay bumalik ang Rama sa Sapiro. Napag-isip-isipan niya ang mga nangyari. Tila hindi niya maalis si Ariana sa kanyang isip. May iba siyang naramdaman sa punjabwe na hindi niya malaman kung ano.

Nakaramdam si Ybrahim ng hangin. "Amihan" ibinulong niya sa hangin. Muling napaluha si Ybrahim, bumalik ang mga alaala niya kasama ang kanyang mahal na Reyna.

"Ssheda, Ybrahim. Tumigil ka." sinabi ni Ybrahim sa kanyang sarili.

Muling ipinatawag si Ybrahim sa Lireo para sa isang pagpupulong.

.
.
.

Pagpasok ni Ybrahim sa Lireo ay nakabunggo niya si Ariana. Napahawak siya sa tagiliran nito. Biglang bumalik ang alaala niya nung siya'y nakipaglaban kasama ni Amihan.

"Agape Ave, Rama."

"Wala ka dapat na ipagpatawad, punjabwe. Ano nga ulit ang iyong ngalan?"

"Ariana"

"Ariana, sa susunod ay mag-iingat ka."

"Maraming salamat, Rama. Ay, Rama! 'Yung sugat niyo, hindi niyo pa nahihilom."

Nginitian ni Ybrahim si Ariana at dumeretso sa palasyo. Dumaan siya sa rebulto ni Amihan at kinausap ito.

"Mahal kong Reyna, kung nasaan ka man ngayon, lagi mong tandaan na palagi kang nasa aking isip at puso. Ngunit tila nararamdaman kita sa isang Encantada. Ano marahil ang dahilan nito?"

Nakaramdam si Ybrahim ng kalungkutan. Kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang isip simula ng makilala niya si Ariana.

.
.
.

Nagkasalubong si Lira at Ariana. Nagbigay-pugay si Ariana sa Sang'gre.

"Avisala, Sang'gre."

"Avisala, ano ang iyong ngalan at bakit ka narito?"

"Ang ngalan ko'y Ariana. Ikinagagalak kitang makita. Hindi ko maaaring sabihin sa'yo kung bakit ako narito, utos sa akin ng mga Sang'gre."

"Ay ganun ba? Ngunit ikinagagalak rin kitang makilala. Lira nga pala."

Nakaramdam si Lira ng kaligayahan ng kanyang makita si Ariana. Hindi niya namalayan ngunit niyakap niya ito. Muling nakaramdam si Lira ng isang yakap na ngayon niya lang ulit naramdaman.

"Ay ang OA ko yata, o sige, Ariana. Mauuna na ako."

Nakaramdam si Lira ng kaligayahan at pakiramdam niya ay niyakap siya ng hangin katulad ng ginawa nito sa kanya dati nung siya'y bago pa lamang sa Encantadia."

.
.
.

Habang nakaupo si Ybrahim sa isang sulok ng palasyo ay nakita niya si Ariana. Nginitian ni Ariana ang mga kawal na naroon sa lugar.

"Babalik ka na sa Sapiro?"

"Bakit, nais mo ba ako manatili sa iyong tabi?"

"Nais, oo, ngunit mas mabuti ngang bumalik ka muna sa iyong kaharian."

Bumalik ang alaala ni Amihan sa kanya kung saan masaya silang dalawa. Muling nagulat si Ybrahim. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari.

Pinagmasdan niya ang lugar kung saan aksidenteng nahalikan ni Ybrahim at Amihan ang isa't isa.

"Napakasaya natin."

Muling ngumiti si Ybrahim, pinagmasdan niya ang labas ng palasyo.

"Amihan, sana'y narito ka. Sana ay muli kitang masilayan sa lugar na ito."

Habang pabalik si Ybrahim sa silid-tanggapan ay nakita niya si Ariana kasama si Azulan at ang iba pang mga dama na naglalakad. Naalala niya ang oras na nakuha ni Pirena sa kanya ang Sapiro at patungo sa kanya ang kanyang mahal na Hara.



Lia

Copyrights 2017

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ