Pagpaparaya ni Alena

1.2K 31 10
                                    

[Written by: Monalyn Balasabas]

(A/N: This is the author's own continuation for Raydon Reyes' Huling Yakap.)

Enjoy! :)



Dumating na ang takdang araw ng pag-iisang dibdib ni Ybarro at Alena. Ngunit hindi mahanap ng Hari ang kasiyahan sa kanyang damdamin dahil alam niyang ibang diwata ang makapagbibigay ng natatanging kasiyahan dito.


Nakatayo na ang Hari sa tabi ng altar, ngunit imbis na ang kanyang mga mata ay nakatutok sa pinto ng palasyo kung saan lalabas ang kanyang makaka-isang dibdib, ay iba ang tinitignan ng kanyang mga mata. Isang diwata na nakasuot ng asul na gayak, ang diwata na tunay niyang minamahal. 


Tumunog na ang mga instrumento at umawit ang mga dama sa himig nito. Hudyat, na dumating na si Alena. 


Pagbukas ng pintuan ng palasyo, bumungad sa mga enkantado at diwata ang napakagandang si Alena. Mababakas sa kanyang mukha ang kasiyahan na nadarama ngunit bakas din sa kanyang wangis ang isang emosyon na pilit niyang ikinukubli.


Pagdating niya sa tabi ni Ybarro ay nginitian niya ito ngunit hindi magawang ngumiti pabalik ng Hari.


Sumulyap pa ng isang beses si Ybrahim kay Amihan bago itinuon ng lubusan ang kanyang mga mata sa Enkantadong magkakasal sa kanila ni Alena. 


"Haring Ybrahim, tinatanggap mo ba si Sang'gre Alena bilang maging iyong Reyna at kabiyak sa panghabang panahon?"


Bago tuluyang sumagot ay tinignan muna ni Ybrahim ang diwatang tunay niyang iniibig at nakita niya itong ngumiti na nagpapahiwatig na nagpaparaya ito at inuutusan siyang sabihin ang mga katagang hindi niya nais sabihin.


"Oo, tinatanggap ko"


Napayuko ang Reyna ng mga diwata ng marinig ang mga katagang tinuran ng lalaking kanyang minamahal at pilit pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang lumabas sa anumang oras. 


"Ikaw Sang'gre Alena, tinatanggap mo ba si Haring Ybrahim bilang maging iyong kabiyak sa panghabang panahon?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 "Hindi"


Nagulat ang lahat sa tinuran ng Sang'gre. 


"Alena, ano ang iyong sinasabi? "Tanong ni Ybarro


"Alam kong hindi ako ang iyong mahal Ybarro, na hindi ako ang nais mong maka-isang dibdib. Ngunit nais kong malaman mo na iniibig Kita ng lubos, kaya mas nanaisin kong masilayan kang masaya kahit sa piling ng iba kesa makapiling ka nga ngunit hindi ko naman masisilayan ang tunay na kaligayahan na kahit kailan ay hindi ko maaaring maibigay sayo. Kaya pinapalaya na kita Ybarro, ang pinakamamahal kong Ybarro na kahit kailan ay hindi maaaring mapasaakin dahil ikaw si Haring Ybrahim ang lalaking umiibig sa aking kapatid na si Amihan. Ei Correii Diu Ybarro at Avisala Meiste" Pagkatapos sabihin ang kanyang mga saloobin ay naglaho bigla si Sang'gre Alena. 


Tumayo si Amihan at lumapit kay Ybarro. 


"Anong ginawa mo sa aking kapatid, bakit biglang nagbago ang kanyang isip"


"Amihan, alam ni Alena ang lahat. Alam niyang ikaw ang aking iniibig kaya siya na mismo ang nagparaya. Sinabi niyang mas nanaisin niyang makita akong maligaya kahit sa piling ng iba kesa kapiling ko nga siya ngunit kahit kailan ay hindi ako magiging masaya"


"Ngunit Ybrahim... 


"Amihan, kahit sa sandaling ito lamang ay isipin mo naman ang sarili mo, isipin mo ang makaka-pagpaligaya sa iyo. Huwag kanang mag-alala Amihan andito lang ako palagi sa piling mo, hinding hindi na kita iiwan at hindi na ako magpapakasal sa ibang diwata" nangingiting sabi ng Hari


"Tunay na ba itong lahat Ybrahim? Malaya na ba talaga tayong dalawa"


"Oo Amihan, dumating na ang araw na maari ko nang ipadama sa iyo ang aking pag-ibig nang hindi ko na kailangang pang magkubli, ang araw na malaya na tayong ipadama sa isa't isa ang ating pagmamahalan"


Hinaplos ni Ybrahim ang mukha ni Amihan "Ei Correi Diu aking Reyna Amihan"


"Ei Correi Diu aking Haring Ybrahim" sagot ng Hara


At unti-unting naglapat ang mga labi ng dalawang nilalang na nag iibigan.



- Wakas -


[A/N: We, the Authors of this account, thank Monalyn Balasabas for this wonderful entry she had given us. I know many YbraMihan shippers would be happy after reading this. Again, AVISALA ESHMA MONALYN!]


Monalyn Balasabas

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ