Chapter 1

3.1K 61 31
                                    

"Hoy, Oliver!'

Napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag ng pansin niya. Papunta na siya ng court para magpractice ng basketball para sa intrams.

Nilingon niya ito.

"Oh, ikaw pala, Phemie. Bakit?'

"Saan ka pupunta?' ngiting tanong nito.

"Sa court," sagot niya.

Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang kasi siya ng above-knee pants at white t-shirt.

"Bakit?' puna niya.

Ngumiti ito. "Ang gwapo mo sa ganyang outpit. Natitibo ako sayo."

Kumunot ang noo niya.

"Problema mo?" angil niya ditto. "Batukan kita dyan e. wala ka na bang klase?"

Umiling iling ito. "Wala na. panoorin na lang kita mag practice."

"Wag na."

She pouted. "E, gusto kita panoorin. Halika na!" Hinawakan nito ang braso niya at iginaya na siya nito sa basketball court.

"Hoy, Phemie!" tawag niya dito. Nakaupo na kasi ito sa gilid ng court. Katabi nito ang mga gamit niya.

"Bakit?" anito.

"Sigurado ka na bang wala ka ng klase?" tanong niya ulit.

Diskumpiyado siya dito. Baka may tinatakasan na naman itong klase. Alas dos pa lang kasi nang hapon.

Tumango tango ito."Oo nga. Wag makulit! Magpractice ka na. ayan ng mga kasama mo."

Umiling iling siya. Kilala niya ang bestfriend niya. Hay! Malamang yung klase na naman ng tinatawag nitong 'Mr. Pahirap' ang tinakasan nito.

"Hoy, Oliver! Wag tumunganga. Ayan ng bola," anito.

"Oo na."

Pumunta na siya sa gitna ng court. Nagpapractice na kasi ang ibang players.

"Hoy, Oliver, itong bola, o," ani nang isang ka-team niya.

Alas kwatro na natapos ang practice niya na walang ginawa si Phemie kundi ang manood lang sa kanila.

Nilapitan niya ito.

"Galing..." manghang sabi nito. "Ang cute mo kapag naka jersey ka at naglalaro ng basketball. Saying, nakalimutan ko yung camera ko," nag-pout pa talaga ito sa panghihinayang.

Sinimangutan niya lang ito. Trip talaga siya nitong asarin kaya ayaw niyang nanonood ito kapag may practice siya.

Kaysa patulan ang kaibigan, inayos na lang niya ang nagulong buhok at ang favorite hobby niya, ang hawakan ang patilya niya.

Kunot ang noong napatingin siya kay Phemie. Hayun na naman, ngiting ngiti kasing natititg ito sa kanya.

"What? Cut that smile Phemie." Utos niya.

Ayoko," pagmamatigas nito. "ang gwapo mo kaya."

Napabuntong hininga na lang siya. Wag nan gang pilitin. Alam na naman niyang pinagtitripang lang siya nito. Lagi nmn ganon.Tutuksuhin at tutuksuhin siya nito. Nasanay na siya, kaibigan e.

They are friends since high school. Hanggang mgacollege ay nagkasama sila. Kinukuha niya ang course na Bachelor of Science in Business Mangement samantalang ito ay Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Kapwa sila nasa ikalawang taon na.

"Uuwi ka na?" maya maya ay tanong nito.

Umiling siya, "Aga pa. dadaan muna ako ng Mcdo. Bibili ako ng sundae at fries. Ikaw?"

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now