Chapter 25 - Cuddle

319 17 2
                                    

"Saan ka pupunta?"

Kalalabas pa lang niya ng room nang biglang hawakan siya ni Zejo sa kanyang braso.

"Sa court," sagot niya.

Kumunot noo ito. "Anong gagawin mo dun?"

"Ano bang ginagawa sa court?"

"Pero alas kwatro na."

"Alas kwatro pa lang," tinalikuran na niya ito at naglakad na.

Sinabayan naman siya nito sa paglalakad sa hallway.

"Wag ka nang maglaro, Shimay."

Napatingin siya dito. Shimay?

Umiling iling siya. "Intrams na next week, ano ka ba?"

Napansin naman niyang wala na siyang kasabay sa paglalakad. Lumingon siya sa kanyang likuran.

"Anong problema mo?" aniya kay Zejo na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.

Pero hindi siya nito sinagot. Pirming nakatayo ito doon.

Kinunotan niya ito ng kilay. "Ayos lang kung uuwi ka na. Panigurado namang hinihintay na ako ni Zyleree sa court. Ingat sa pag uwi ha."

Tinalikuran na niya ito. Pero nakatatlong hakbang pa lang siya nang bigla siyang hablutin sa bewang ni Zejo.

"Oh?!?" Gulat na aniya.

"Samahan na kita." Nakangiting sabi nito. "Baka lapain ka pa ni Zyleree tapos hindi na talaga kita mabawi."

Umiling iling siya sabay tanggal ng kamay ni Zejo sa bewang niya. "Baliw. Atsaka wag mo nga akong hawakanbsa bewang."

"Bakit?" Nakangusong tanong nito.

"Bakit?!? Okay ka lang?!"

"Akin ka na naman ha?" Giit pa nito. "Magtatampo na ako sa iyo niyan."

Napanganga pa siya nang biglang mauna ito sa paglalakad.

Ang mokong! Nagtatampo tapos kailangan pa talagang sabihing nagtatampo siya?!?

"Hoy!" Sigaw niya dito nang mapansin niyang seryoso talaga ito. "Ano ba, Zejo!?"

Pero bumaba na nang hagdan ang sinisigawan niya. Tuluyan na ngang nag walk out.

Buraot! Parang bata!

Kaya imbes na dumiretso sa court ay sa may lobby siya pumunta at naupo sa isa sa mga upuan doon.

She got her cellphone on her pocket then started dialling Phemie's number.

"Hello?" Pagkasagot ni Phemie.

"Oh, Oliver?" Si Phemie.

"Pauwiin mo na yung kuya mo."

"Ha? Bakit?"

"Guguluhin niya lang ako sa practice ko."

She heard her chuckled. "Ayos lang yan. Excited kasi!"

"Ano ka ba! Parang bata yang kuya mo! Ang bilis magtampo!"

"Nasaan na ba yun?"

"Malay ko dun. Iniwan ako bigla sa hallway kanina! Nandito ako sa lobby ngayon."

"Baka naman dumiretso sa court."

She sighed.

"Ano ka ba, Oliver. Protective boyfriend lang yun. Atsaka baka feeling niya naiisahan mo siya. Ikaw ba naman magkaroon ng girlfriend na basketball player e siya? Nganga?"

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now