Chapter 13 - The Group Study Kuno

456 25 3
                                    

"HOY, OLIVER!  Huwag kang makakalimot!"

Napasimangot siya sa text na iyon ni Phemie.  Nakahiga siya ngayon sa kanyang kama. Tumingin siya sa kanyang orasan.

Tsk! Tsk!

4: 51 pm. 5: 30 pa naman ang sinabi niyang pupunta siya sa kanila. Idlip pa kahit ilang minuto.

May naalala siya. She gets her cellphone and starts dialing Zyleree's number. 

"Hello?" aniya.

"Bakit?" sagot nito.

She knitted.  "May kasalanan ka sakin ah!"

"What? Ano naman iyon? "

"Anong pinagsasabi mo kay Zejo?! That we have a relationship? ! Kahit tibo ako, hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae ah?!"

She heard her chuckled. 

"Huwag mo akong hayaang bigyang kahulugan iyang sinabi mo, Oliver.  Atsaka, ginu-good time ko lang iyang Zejo mo!! Kung nakita mo lang yung reaction nun nang sabihin ko un, kulang na Lang bumulagta ako sa titig nun, nakamamatay!"

Natahimik siya. 

"Hindi siya maka move on, Oliver.  Why don't you give him a chance? " dugtong ni Zyleree. 

Napakunot noo siya. Bakit parang nag iiba ang tono ng pananalita nito. 

"Zyleree? " tawag niya dito.

"Yes?"

"Ayos ka lang?"

"Alam kong mahirap gawin yun pero ikaw lang din ang nahihirapan e. Kayong dalawa. "

She sighed. "I'll go to Phemie's place for a group study.  Come with me, please."

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

NAKANGITI si Phemie nang pagbuksan sila nito ng pinto.  Katabi niya si Zyleree.  Buti na lang pumayag ang huli na sumama sa kanya. 

"Ang gwapo mo talaga sa ganyang outpit . Lalaking lalaki," maya maya ay puna ni Phemie sa kanya. 

"I agree with that!" Sapaw pa ni Zyleree. 

Nailing iling na lang siya.

Mukhang magkakasundo pa ang dalawang ito. She's just wearing a above-knee black pants plus a printed white t-shirt.  Favorite niya ang mga ganoong outpit. 

"Pasok kayo. Nasa sala na sina Rodney, " yaya ni Phemie. 

Pumasok na sila at tumuloy sa may sala. Doon ay kanya kanyang hawak ng libri at laptop ang tatlo.

"Hey, dre! Nakarating ka?" ani Joshua. 

Ngumiti siya dito. 

Maya maya ay tumayo si Rizza. "Namiss kita, dre!" Sabay yakap sa kanya. 

"Long time no see ha!" Si Rodney. 

"Kamusta?" Aniya. 

"Ikaw ang kamusta?" Si Rizza. 

Ngumiti lang siya sa mga ito.

"Ganda ng chix ha!"si Rodney. 

"Gusto mo nang suntok?" Biro niya dito.

"Talo na ko! " tumawa pa ito sa sinabi nitong iyon.

While Zyleree is just laughing at them.  "Hi! Guys! I'm Zyleree Castigon. Oliver's girlfriend. "

Narinig niyang napasinghap ang mga ito sa sinabi ni Zyleree. 

"Zyleree! !" sigaw niya dito.  "Take that as a joke, guys," aniya sa mga kaibigan.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now