Chapter 35 - Just Can't Say

287 10 2
                                    

It's the time! The night!

Nakaupo siya ngayon sa bench sa gilid ng stage. She's wearing her favorite pants and a black plain t-shirt. Yakap niya ang kanyang gitara. Minsan-minsan ay napapatipa siya doon.

It's already 6:00 pm. Isang oras na lang at mag uumpisa na ang program. Naghahanda na nga ang ibang contestants pero siya kalma lang doon, waiting for someone.

Waiting for Zejo.

"Quia!"

Bigla ay napalingon siya sa tumawag sa kanya. She's so excited to see who's that but she just did that to disappoint herself.

"Rodney..."

Lumapit ito sa kanya.

"Good luck!"

Tumango siya. "Thank you..."

"Don't worry, darating siya."

Napatingin siya dito. She smiled at him. "I know."

She's also hoping.

"Quia..." napatingin siya sa mga bagong dating.

"Phemie..."

"Good luck," Phemie hugged her.

"Go, Quia!" Natawa siya kay Zyleree. Saan naman kaya ito sumuot? "Go!"

"Ingay mo!" Saway niya dito.

"Break a leg," si Joshua.

Nginusuan niya lang ito. "Break a leg ka dyan!"

Bigla ay binatukan ito ni Rizza. "Oo nga! E kung ikaw kaya balian ko ng leeg dyan?"

Natawa siya sa mga barkada niya. Kumpleto ata sila? Ano meron?

"Joke lang naman," tanggol pa ni Joshua sa sarili.

"Nandito lang kami Quia, kaya mo yan!" si Phemie.

She hugged her bestfriend. Nakatingin lang siya sa kawalan nang may napansin siyang isang lalaking titig na titig sa kanya. That man smiled at her.

"Zejo?"

Pati ang mga kasama niya ay napatingin sa tinitingnan niyang direksyon.

Unti-unting lumapit sa kanya ang tatlong araw niyang hinahanap-hanap. Matamis na ngiti ang isinalubong nito sa kanya.

"Zejo..." aniya sabay pisil sa pisngi nito. "Akala ko hindi ka na darating e. Teka? Bakit may benda ang kamay mo?" pansin niya sa kamao nito.

Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito. Napansin niyang tahimik lang ito. Pero hindi nito maalis alis ang ngiti sa labi.

"Panoorin mo ako ha?"

Tumango tango ito.

Hindi niya ito pipilitin na magsalita basta ang importante nandito na ito para panoorin siya.

This contest is really for him.

"I love you."

Mahina lang iyon pero sapat na para marinig niya mula kay Zejo. She knows that Zejo truly loves her. Alam niya g mahal na mahal niya rin ito pero may iba siyang paraan para ipadama iyon.

Ngumiti siya kay Zejo.

"I LOVE YOU."

He said that from the bottom of his heart. He really loves Quia pero iyon na ata ang huling pagkakataon na masasabi niya iyon.

Tomorrow will be his flight.

Quia smiled at him after he said that. Alam naman niyang hindi siya sasagutin ni Quia.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now