Chapter 12 - What You Had And What You Will Never Have Again

494 22 10
                                    

Naglalakad siya sa hallway ng second floor ng campus nang may biglang umakbay sa kanya.

Gulat na napalingon siya dito.

"Phemie?"

Ngumiti ito sa kanya. "Wag mong kakalimutan mamaya, ha! May group study tayo, Oliver,'" paalala nito.

She smirked. Oo nga pala! She almost to forget. Malapit na kasi midterm.

"Oo sige."

"Mga 5 p.m. pupunta sina Rodney. Ikaw?" Tanong nito.

Napakamot siya sa kanyang patilya. "Ah... siguro mga 5:30 p.m. na ko makakapunta. May gagawin pa ko e."

"Siguraduhin mo ha. Overnight na tayo. Bukas ka na umuwi. Samin ka na matulog. Paalam ka kay Tita Sabel."

Natahimik siya.

E? Ha? Overnight?

Phemie smiled at her. Makakatanggi pa ba siya ng lagay na yan?

Tumango tango siya. "O-Okay..."

"Oliver!"

Napatingin siya sa babaeng tumawag sa kanya. Papalapit na ito sa kanila.

"Zyleree..."

She smiled at them.

"May klase ka pa?" Tanong nito.

"Wala na."

"Sundae dip fries tayo?" yaya nito.

Napatingin siya kay Phemie. "Sama ka?"

Napansin niyang nagdadalawang-isip ito. Pero bakit? Hinawakan niya ito sa braso.

"Sama ka na, Phemie?" pilit niya.

"Kasi... ano..."

"Sama ka na!" agap ni Zyleree. Ngumiti pa ito kay Phemie. "Bahala ka, hindi ka tatantanan ni Oliver "

Ngumiti siya. "Tingnan mo Phemie, si Zyleree na nagsabi. Sama ka na."

Mukhang wala itong nagawa kundi ang pumayag.

"Sige na nga."

She smiled.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥

STAYING IN LOVE WITH SOMEONE EVEN IF YOU'RE NOT SURE IF YOU CAN BE STILL TOGETHER IN THE FUTURE IS LIKE STANDING IN THE RAIN... YOU KNOW YOU'LL GONNA BE SICK BUT STILL YOU STAND THERE BECAUSE IT FEELS GREAT!

Muntik na siyang masamid nang mabasa ang text na yun. Asual, it came from +63905******* .

She knitted. Hindi ba talaga siya titigilan nito? Hindi pa ba sapat yung tinatrato niya ito in a normal way? Classmate to classmate?

Can't he move on?

"Ayos ka lang? Sinong nagtext?" puna ni Phemie sa kanya.

Nasa Mcdo silang tatlo. Zyleree, Phemie at siya. Nasa kaliwang bahagi niya si Zyleree samantalang nasa harap niya si Phemie.

"Sino yan?" usisa naman ni Zyleree.

"A---Ah! W-Wala! Istorbo lang," aniya.

"Sino nga yan ?" pilit pa nito.

Umiling iling siya. "Wala nga..."

"Phemie oh! Ayaw sabihin ni Oliver kung sino yun," sumbong nito kay Phemie.

"Oliver! " ani Phemie.

Nanlaki ang mga mata niya.

Magkasundo silang dalawa?

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now