Chapter 14: When The Last Teardrop Falls

412 21 1
                                    

Ngiting ngiti siyang nakatayo sa tabi ng ref. Oh God! He did it! He did it!

"Yes! Yes!" Impit na sigaw niya.

Baliw lang dre?

Kanina pa wala sa harap niya si Quia. Umalis na rin ito pagkatapos mag walk out ni Zyleree. 

He got a point! 

He felt completeness when he finally kissed Quia.

Yes! May pag asa!

"But still, I'm her first kiss."

Gulat na napalingon siya sa pinto ng kusina.  It's Zyleree. Bumalik?

He smirked. "Pero mas matagal yung sa akin."

Kumunot ang noo nito.

"At napatunayan kong babae pa rin siya. I can bring her back."

Ngumiti ito. Hindi niya alam kung totoo ba yun o hindi. 

"Good luck!"

"I'll do."

♥♥♥♥♥

She felt uncomfortable. Paano ba naman kasi biglang lumabas ang herodes na iyon mula sa kusina and guess saan umupo?

Tinatanong pa ba yan?

Malamang sa tabi niya! 

Sa tabi niya!

Ang awkward pa, laptop nito ang gamit niya na ang wallpaper ay ang picture nilang dalawa way back when they're high school.

"Ano bang ginagawa mo dito kuya? Group study po namin ngayon, " ani Phemie. 

"Bakit?  Bawal ba makisama?"

"Wala ka namang ginagawa e."

She smirked. "Oh e'tong laptop mo," binigay niya dito ang laptop.

"Paanoo nalamang kay kuya yan?" Pagtataka ni Phemie. 

"Oo nga. Paano mo nalamang akin  'to?" Sapaw pa ni Zejo. 

Pero sinimangutan niya lang ito.

"Kuya ako na lang hihiram. Akin na," si Phemie. 

Nanlaki ang mga mata niya nang akmang ibibigay ni Zejo ang laptop sa kapatid.

"Hindi!" aniya. "Gagamitin ko pa pala!" Sabay kuha ulit kay Zejo nung laptop.

"Akala ko ba tapos ka na?" May nakakaloko pang ngiti si Zejo.

"H-Hindi pa. May ise-search pa pala ako." Sarkasmong sagot niya. 

Ha! Badtrip! Papakita nito ang wallpaper sa kapatid ha!

"Tulungan na nga kita," si Zejo. 

Nagulat siya nang biglang lumapit pa ito sa kanya. Sinasadya talaga nitong dumikit sa kanya. Nasa likod niya ang isang kamay nito samantalang ang isa ay nakikipindot sa laptop. 

Grabe! Ang lapit lapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Can you move a little? " aniya.

Mali! Mali ang move niyang iyon. Bigla kasing tumingin ito sa kanya. Alam mo yun? Yung halos gahibla na lang ng buhok ang pagitan ng mga mukha nila.

Then, Zejo smiled at her.

Dimples! 

"Alam mo ba kung gaano ako nate-temp nq halikan ka uli?" Bulong lang iyon. Siya lang nakakarinig. "Kasi andito ang mga kaibigan mo kaya nagpipigil lang ako."

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now