Chapter 30 - Zyleree vs Zejo

282 12 1
                                    

"WOAH! GO, Sam! Go! Yes!"

Siya na ata ang pinakamalakas magcheer sa grupo ng mga BM students doon. Hindi niya maiwasang humiyaw tuwing makaka-shoot si Quia.

Ang galing! Hangang hanga siya sa girlfriend niya. Mukhang dinaig pa siya nito.

"Go! Sam!"

Pero nagulat siya nang bigla siyang batukan ng kapatid.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya dito.

Kinunotan lang siya nito ng noo. "Ingay mo. Hindi ka naman nagchi-cheer. Ginugulo mo lang si Quia."

"Hindi ah!" tanggi niya.

"Manood ka na lang."

Napahalukipkip na lang siya.

Maya maya ay biglang dumating si Andrew. Tumabi ito sa kanya.

"Nag umpisa na pala ang basketball girls," anito.

Tiningnan niya ito. "Bakit naka-jersey ka?"

"Player ako e."

Kumunot ang noo niya.

"Hindi mo kasi inasikaso yung pagta-try out mo e."

Napakamot siya sa ulo.

"Sayang. Sana pala pinagpatuloy ko."

"Pwede pa naman next year. Lalakad kita kay coach."

"Talaga?"

Tumango tango ito. "Oo. Tropa tayo e."

"Salamat," nakipag-fist off pa siya dito.

"Galing talaga ni Biwan," maya maya ay sabi ni Andrew. "Kung hindi lang sa basketball girls member yan, aakalain mo talagang lalaki."

Pero bigla niya itong binatukan.

"Bakit?" Takang tanong nito.

"Tigilan mo nga yan. Girlfriend ko yang tinutukoy mo ha!"

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Girlfriend? Weh? Hindi nga? Aga ng joke mo ha?"

"Oo nga!"

"Kailan pa?"

"Apat na taon nang nakakaraan."

Bigla siya nitong tinulak. "Wag mo nga akong lokohin!"

"Oo nga!"

"Ebidensya?"

"Tanong mo pa sa kapatid ko."

"Asan?"

Tinawag niya si Phemie sa kanan niya. Lumingon naman ito.

"Bakit?" Si Phemie.

"May tatanong lang itong kaibigan ko sayo."

"May girlfriend na daw itong kapatid mo?" si Andrew.

"Wala!"

"Phemie!" saway niya dito magsunungaling ito.

Tinawanan lang siya ni Andrew. "Wag ka ngang mag-ilusyon dyan!"

"Totoo nga!"

"Sige. Sige na nga. Sinabi mo e."

Nailing iling siya. Mukhang napilitan lang ito.

"Woah! Go, Oliver!"

Pamilyar sa kanya ang boses na yun ah? Maya maya ay biglang may sumingit sa upuan niya.

"Zyleree?"

"Hi, Zejo! Tagal nating hindi nagkita ah!"

"Hoy, Zyleree," tawag dito ng kapatid niya. "Musta na?"

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin