Chapter 20 - Second Chance

362 18 6
                                    

Phemie's POV

Naiinis na siya. Kanina pa niya ginigising ang kuya niya kaso mukhang tulog-mantika.

May naisip siya.

Bumaba siya ng hagdan. Pumunta siya sa sala kung nasaan ang mga barkada niya.

Lumapit siya kay Quia.

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"Ikaw nga gumising kay kuya."

Napanganga ito sa sinabi niya.

"Bakit kailangang si Quia pa ang gigising sa kuya mo?" natanong ni Rodney.

"Ako na lang," kusa ni Rizza.

"Hay! Ano ba kayo, kapag si Oliver ang gumising dun... mabilis pa sa alas kwatrong gigising yun."

"Lakad na!" tinulak tulak pa ni Zyleree si Quia.

Napangiti siya. Nakikiayon sa kanya si Zyleree.

"Wushu! Sige na Oliver!" giit ni Joshua.

"Ayiiee..." lahat sila kinikilig.

"Manahimik na nga kayo!" sigaw ni Rodney.

Napatingin silang lahat kay Rodney. Anong problema nun?

"Ingay niyo?" palusot nito.

"Halika ka na nga!" buti na lang magpahila naman si Oliver sa kanya.

Pinihit na niya ang doorknob ng kwarto ng kuya niya.

Nakatalikod ito habang nakahiga nang buksan nila. Himbing na himbing ah!

"Kuya!" sigaw niya.

Tahimik lang si Oliver sa tabi niya. Napangiti siya. Umaayon lang sa kanya ang bestfriend niya.

Buti in mood ata ito.

"Hoy! Zejo! Ano ba... bumangon ka na dyan! Tanghali na!"

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sumigaw si Oliver.

What?

"Ayaw naman bumangon. Baka napagod kagabi. Ano bang ginawa niya?" biglang tanong ni Oliver.

"Ha? A-Ano? Malay ko?"

"Wag mo na kasi gisingin."

"Eh basta gisingin mo. Mauna na ako sayo. Magluluto pa ako."

Yun lang at iniwan na niya ito. Hayyy... Sana gumana...

♡♥♡♥♡♥♡

Napabuntong hininga siya. Anong ginagawa niya sa kwartong iyon? Ayun, Iniwan siya ni Phemie.  Gisingin niya daw ba itong tulog mantikang si Zejo.

Pero ayaw niyang istorbohin ito. Naupo na lang siya sa isang sulok ng kwartong iyon yakap yakap ang sariling tuhod kung saan tanaw niya ang mukha ng himbing na himbing na si Zejo.

Pinagmasdan niya ang mukha nito.

Naisip niya si Drake.

Second chance is never a wrong move.

Paano nga kung pakinggan niya si Zejo? Ano nang mangyayari?

Sigurado bang hindi siya magsisisi? What if? Daming possibilities.

Bigla ay gumalaw na si Zejo. Nag uunat na ito. Halatang magigising na ito. Pero siya... ayun nakaupo pa rin sa harap nito.

Bahana na.

Naupo na ito sa kama at pupunas-punas ng mata. Tapos hihikab.

Napangiti siya. Tongak! Hindi ba siya napapansin nito? Ayun lang siya oh! Isang dilat lang ng mga mata... kitang kita na siya!

Pinanood niya lang itong bumaba ng kama pero laking gulat niya nang bumagsak ang kumot sa harapan niya.

Napatayo na rin siya ng wala sa oras. Mababasa mo naman ang gulat sa mga mata ni Zejo nang makita na siya nito.

Their eyes locked out.

One. Two. Three. Four. Five seconds passed bago nakahuma si Zejo.

"Quia?!?"

Noon lang din naisip ni Zejo na damputin ang kumot at ibalot sa katawan niya. Naka-boxer's short lang siya for Pete's sake!

"Ha? A-Ano. Excuse me!"

Lalapitan na sana niya ang pinto para lumabas pero nahawakan siya ni Zejo sa braso.

Napatingin siya dito... buti na lang may kumot na ito sa katawan.

"Bakit?" tanong niya dito.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" kunot noong tanong nito.

"Hoy! Wag kang assuming dyan!"

"Bakit nga?"

"Anong bakit?"

"Bakit ka nasa kwarto ko?" pilit nito. Napansin niya ang nakakalikong ngiti nito sa labi.

Gusto niya malaman? Okay... tell him, Quia.

"PINAGNANASAAN KA!"

Sabay piksi saka lumabas ng kwarto at binagsak pasara ang pintuan nito.




Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now