Chapter 5

690 31 7
                                    

Chapter 5

Parang halamang hindi nadiligan ng isang taon na nanlulumong ibinagsak niya ang sarili sa kama.

What a pity day !

Ezekiel ! Ezekiel ! Ezekiel !

Grrrrrrrr.......

Nanggagalaiting naikuyom niya ang mga kamao. Hay ! Kung pwede lang manuntok! Kaso bahay nila iyon at baka mapagalitan pa siya. Nandon pa naman ang papa niya sa sala. Kakauwi  lang din galing trabaho.

You're plain and simple. You’re not even my type of girl. Mas mukha ka pa ngang lalake sakin.

Napaupo siya mula sa pagkahiga sa kanyang kama nang maalala niya bigla iyon.

AHHHHHH !!! sigaw niya .

"Nakakainis ka ! D--- you, Ezekiel!"

Woah......

Bad yon! Rated SPG. May mga lenggawaheng hindi angkop para sa mga batang manunuod, I mean magbabasa . Patnubay ng magulang ang kailangan. Bow!

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? "

Gulat na biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang kuya niya.

Tumingin siya dito pero bigla lang din niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Inaantok? Itinakip na rin niya ang unan sa mukha niya.

Hay buhay!

---------

---FLASHBACK----

“Hi! Guys! I want you to meet my brother, Ezekiel Joseph Aragon, Zejo na lang for short.”

Nakatungo lang siya sa may lounge. Hindi niya pinansin ang pagpapakilala ni Phemie sa kuya nito kina Rodney, Rizza at Joshua. Lunch time ng mga oras na iyon. Nagkita kita silang anim at kasama naman ni Phemie ang kuya nito.

So, eto pala ang sasabihin ni Phemie sa kanila. Kaya pala ang lakas nito maka good vibes kaninang umaga.

Dumating na daw kasi ang kuya nito galing amerika.

So? Pwede na bang umuwi? She’s not interested.

“Hi guys! Nice meeting you all.”

Haixt! Alam na kung kaninong boses iyon ah!

“Hello, Zejo. I’m Rizza. Rizza Castillo.”

“’Tol, Joshua. Joshua Gregorio.”

“Hi! I’m Rodney. Rodney Galorio.”

Ano ba yan! Tungong tungo na nga siya. Kailangan pang sikuhin? Halata bang ayaw niyang makipagkilala dito? Bwiset!

Bigla siyang tumayo na halatang ikinagulat ng mga kasama niya. Pero ang herodes, ngiting ngiti pa sa kanya. If she can just scratch that smile of him, naku, pati ilong kasama.

Seryoso lang siyang nakatingin dito. Hay! Sarap batukan e!

“Hi, dre! Oliver nga pala. Oliver Biwan,” pekeng peke ang ngiti niya. Halatang made in China. Plastic! “Nice meeting you.”

Lalo pang umabot ang ngiti nito sa mata. Insulto lang?

“It is nice to meet you again, Quia Samantha Biwan.”

Napanganga siya. Mababasa din ang pagtataka sa mga mata ng mga kasama niya.

What the f---?!

Ano bang gustong palabasin ng herodes na to? Buong buo pa talaga ang pangalan niya no? Very good, very nice, very glad!

“Magkakilala kayo?” bumalik siya sa realidad ng magtanong si Rizza.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki Pumormaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن