Chapter 21 - Don't Start The Fire

325 14 2
                                    

"PINAGNANASAAN KA!"

Parang tuod pa rin siyang nakatayo doon. Ngingiti ngiti minsan. Natatawa siya. Alam niyang biro lang yung sinabing iyon ni Quia pero hindi niya lubos maisip na gagawin nga iyon ni Quia sa kanya.

Dahil sa absentmindedness niya ay nabitawan niya yung kumot at noon niya lang ulit napansin na nakaboxer's short lang pala siya.

Napasabunot siya sa kanyang sarili. Nakakahiya kay Quia!

Haixt! Kailangan niyang bumawi. Hindi pwedeng ganon ang impression mi Quia sa kanya umagang umaga!

He takes a bath.

Wears a plain printed blue t-shirt plus a above knee pants. Hahahah! Ginagaya niya si Quia!

Nagsuklay.

Nagpabango.

Nagtoothbrush.

Tumingin siya sa salamin. Perfect! Mas gwapo na siya kay Quia. Ewan niya lang kung hindi pa siya pagnasaan talaga nito.

Lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa may sala. Narinig niya ang ilang pag uusap doon.

Napahinto siya pagbaba niya sa may hagdan. Kumpleto pala sila? Naiiling iling siya. Si Zyleree nandito rin pala.

Karibal.

Napansin naman niya su Quia sa gilid ng sofa. Abala sa cellphone.

Lalapit na sana siya nang biglang umupo si Zyleree sa tabi ni Quia.

Lumingon ito sa kanya saka siya dinilaan. Zyleree! Sinusubukan talaga siya nito ah!

"Oh, kuya, gising ka na pala. Buti naman nagising ka na, si Quia pa pala magpapagising sayo," ani ng kapatid niya na galing sa kusina. Katabi nito si Rizza na may dala dalang pagkain.

Si Quia? Ginising siya? Kaya siguro nasa kwarto niya yun?

"Umupo ka na at kumain ka na rin," utos pa ng kapatid niya.

Humakukipkip siya. "Gusto ko katabi si Quia."

Napatingin ang lahat sa kanya maging si Quia ay napalingon sa kanya.

Ngumiti naman siya kay Quia. Pero wala lang itong reaksyon sa ginawa niya.

"Hindi pwede. Hindi mo ba nakikita katabi ko na siya?" Tanggi ni Zyleree.

"Pwede ka namang lumipat ee. Daming space oh?"

"Bakit hindi ikaw ang umupo sa space na sinasabi mo?" Balik nito sa kanya.

Nanggigigil na siya sa babaeng ito pero pasalamat pa rin siya at hindi siya pumapatol sa babae.

"Dito ka na lang umupo sa tabi ko," biglang yaya ni Rodney sa kanya.

"Much better," segunda ni Zyleree.

Kinunotan niya ito ng noo. Bwiset! Sayang ang pagkakataon!

"Oh dito ka na lang."

Biglang tumayo si Joshua. Nakaupo ito sa single sofa na katabi ni Quia.

Napangiti siya.

"Joshua!" Asik ni Zyleree.

"Salamat!" Aniya kay Joshua sabay dila kay Zyleree.

Umupo si Joshua sa tabi ni Rodney.

"Gulo niyo," ani Rizza na nilalapag na ang pagkain sa harapan nila.

"Kumain ka kuya," utos ni Phemie sa kanya.

"Opo," nakangiti niyang sabi pero kay Quia ang tuon ng tingin.

"Don't stare at me," biglang sabi ni Quia pero sa pagkain nakatingin.

Natawa siya.

"Why? Can't you resist the temptation, ha, Quia?" hindi niya alam kung bakit iyon pa ang lumabas sa bibig niya.

Nanlilisik ang mga matang nilingon siya nito.

Woah!

He smiled. He liked that face of Quia. Talo.

"Kaya ka pala nasa kwarto ko ha, pinag ----- !"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang lapitan siya ni Quia at takpan ang bibig niya gamit ang palad nito.

"Quia?" Si Rizza.

"Anong pinagsasabi mo kuya?" Si Phemie naman.

Unti unti niyang tinanggal ang kamay ni Quia sa bibig niya pero hindi niya iyon binitawan.

Tsansing!

"Manahimik ka! Hindi ko sinasadyang masabi iyon!" Giit pa ni Quia sa kanya.

He pouted. "Try me."

"Ano ba kasi yun?" Usisa ni Joshua.

"Tama na!" Agaw ni Rodney.

Napatingin siya dito. Seryoso ang mukhang nakatingin lang ito sa kanya. Bigla ay lumipat ang tingin nito kay Quia.

"Ayaw na nga niya ipaalam, pinipilit mo pa!" Mababakasan ng inis ang boses ni Rodney.

"Nagbibiro lang naman ako," depensa niya.

"You'd take advantage of that dahil alam mong papatulan ka ni Quia!" Giit nito.

"Hindi ko yon gagawin."

"Sinong niloko mo?!"

"Ano bang problema mo?!" Nahahamigan na niyang may ibang ibig sabihin ang galit ni Rodney.

"Ikaw!" Napatayo na ito. "Ikaw ang problema ko!"

"Rodney?!" Pigil ni Quia.

"Wag kayo dito mag away," mahinahong sabi ni Zyleree.

"Ano ba!" Agaw ni Rizza.

"Pare, nag iiba na yang kinikilos mo ha," ani Joshua. Hinawakan nito ang balikat ni Rodney.

Naglabanan sila ng tingin ni Rodney. Masama ang kutob niya. Naikuyom na rin niya ang mga kamao niya.

Naiinis na siya! Hindi pwedeng??!

Pero mas nagulat siya nang mabitawan niya si Quia dahil lumapit ito kay Rodney at hinika ito palabas ng bahay.

Hindi! Hindi pwedeng hayaan niyang mawala sa kanya si Quia!

Susunod sana siya nang pigilan siya no Joshua.

"Kahit ngayon lang, let them talk privately."

Wala siyang nagawa kundi ang maupo at maghintay.

Nagpupuyos ang isip niya. Dapat ba siyang pumayag na mag usap yung dalawa nang sila lang?

Naikuyom niya ang mga kamao niya. Kinakabahan siya. Kinakabahan siya kay Rodney.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon