Chapter 10

504 25 5
                                    

------FLASHBACK-----

“Ezekiel Joseph Aragon! Gusto kita! Tanggapin mo sana itong muti kong regalo!”

Gulat na napalingon siya sa kanyang likuran nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan.

Naglalakad siya sa hallway ng first year building ng mga oras na iyon papaunta sa kanyang susunod na klase.

Nalingon niya ang isang babaeng nakatungo hawak ang isang box na nakabalot sa isang gift wrapper. Napansin niyang mahaba ang buhok nito hanggang bewang. May bangs din itong nalugay dahil sa pagkakayuko. Hindi niya tuloy maaninag ang mukha nito.

“Miss?” aniya.

Bigla ay I’nangat nito ang ulo. Tumambad sa kanya ang mapupula nitong pisngi, matangos nitong ilong at ang mga mata nitong animoy nakangiti sa kanya. Ang amo-amo ng mukha nito bumagay ditto ang mahaba nitong buhok.

“Ah…eh… T-tanggapin mo s-sana itong r-regalo ko s-sayo,” nabubulol nitong sabi.

Kinuha niya ang regalo saka matamis na ngumiti dito.

Napansin niyang lalong namula ang pisngi nito.

“Ah…H-happy B-birthday!” bati nito sa kanya. Iniiwas-iwas pa nito ang paningin sa kanya. Halatang nahihiya.

He smiled. “Paano mo nalamang birthday ko?”

Nagulat naman ito sa tanong niya “Ha? K-kasi… ano…”

“Okay lang. Wag mo na lang sagutin yung tanong ko. Ano na lang pangalan mo?”

Biglang naangat nito ang ulo sa kanya. Nagtama ang mga paningin nila.

“P-pangalan ko?”

Tumango-tango siya.

“Ah… a-ano… Q-Quia Samantha Biwan,” anito.

He smiled again sweetly. “Thanks for the gift, Quia.”

Ngayon niya nasilayan ang ngiti nito. Ang cute. “Ah… ano… Pwede ba tayong maging magkaibigan.”

Natahimik siya.

Bigla naman itong nataranta.

“Ah… a-ano… okay lang ku – “

“Sure!” dagli niyang sagot.

Lumapit siya ditto saka nag alok ng shake hands.

“Friends?”

Napansin niyang nakatingin lang ito sa kamay niya kaya siya na lang nag abot ng kamay nito at nakipagkamay.

“Friends!”

-----END------

-------------------------------

Naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang may biglang sumagi sa kanya. Muntik pa siyang mahulog, nasa bukana kasi siya ng stairs. Buti na lang nakakapit siya sa hawakan ng hagdan.

“Ay, sorry, pare.”

Napatingin siya sa humawak sa balikat niya. Oh! It’s Andrew.

“Anong ginagawa mo ditto? Bakit parang tuod ka diyan?” ani pa nito.

“Ha? W-wala.”

Napakunot noo ito. “Ayos ka lang?”

Tumango tango siya.

“Okay,” anito . “Gusto mo sumama ka lang sa akin sa court. May practice ng basketball doon e.”

Tumango tango siya.

Wala e. walang magawa.

---------------------------

---FLASHBACK---

“Pwedeng makisabay?”

Pero hindi na niya hinintay pang makasagot si Quia at bigla na lang siyang umupo sa tapat nito.

Lunch break.

Nakita niya kasing mag isa lamang ito sa table.

“I-ikaw pala?” anito.

He smiled. “Yes, I am.”

Halatang naiilang ito sa presensya niya that make him glad, pero gusto niyang maging maayos na ang turingan nilang dalawa. Yung walang nang ilangan.

They are friends, right?

“Quia?” tawag niya rito.

Lumingon naman ito. “Bakit?”

“What section you are? Youre just first year, right? I’m too.”

“I-Ipil ako.”

Tumango tango siya. “Magkatabilang pala ang room natin e.’

“O-oo.”

“Anong favorite mong color?” usisa niya.

“Blue.”

“I’m red. How about fruits?”

“Apple?”

He knitted. “Bakit parang hindi ka sigurado?”

“Hindi ko rin alam e. iba iba kasi gusto ko e. halos lahat nga e.”

Tumango tango siya. “Song?”

Napatingin ito sa kanya.

“Favorite ko yung ‘1 2 3 4’. Alam mo ba yun?”

Umiling iling ito.

“Ano favorite mo?” tanong niya.

She pouted.

Wushu! Ang cute niya magpout!

“If we fall in love siguro.”

He knitted. “If we fall in love siguro?” pagtataka niya.

She looks at him normaly. “Yung kanta ni yeng. Hindi mo ba alam iyon? Duet pa nga niya si RJ e.”

Tumango tango na lamang siya. “Kantahin mo nga.”

Nagulat naman ito sa hiling niya. “Ha? Kantahin ko?”

“Oo.”

“Pero…”

“Sige na,” giit niya.

 ♫ If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

If we fall in love

We can write a better song than this 

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love

Anywhere with you would be a better place ♫

“Oh, yun na,” tapos ni Quia.

He smiled. “Ang ganda pala n’on. Lagi mo nang kakantahin ha,” aniya.

Natulala lang ito sa kanya. “K-kakantahin ko lagi?”

Tumango tango siya.

“Thanks.”

---END---

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now