Chapter 36 - Happy Ending?

556 12 0
                                    

"AND WHERE do you think you're going?"

He is straight passing the hallway to the main gate when someone crossed him. Nagsisimula palang si Quia sa pagkanta nito ay umalis na siya. He can take no more the pain, the truth that eventually, he will left Quia, again. Yung time na sinabi nitong that song was for her boyfriend ay nakonsensya na siya.

Iiwan na niya ito, para saan pa iyon? Sinubukan siyang pigilan ng kapatid niya pero pareho lang silang masasaktan ni Quia kung magsisinungaling pa sila sa isa't isa.

"I'm going home," matapang na sabi niya kay Rodney.

Hindi siya nagreact nang bigla siyang hablutin sa kwelyo nito.

"Are you crazy?! You can't left Quia like that!"

He smirked. "Ayaw mo pa ba non? You can have her when I'm gone!"

He was not aware of Rodney's next move. Rodney punched his face kung saan ikinatumba niya. Tatawa-tawa pa niyang pinunasan ang duguang labi.

"Alam mo, kung hindi ka lang bumalik e di sana akin na siya! E di sana hindi siya umiiyak ngayon sa stage at kinaaawaan ng lahat!"

Bigla ay inusig siya ng konsensya niya sa mga sinabi ni Rodney.

Umiiyak si Quia? Umiiyak na naman si Quia ng dahil sa kanya.

"Tumayo ka dyan!" hinila ni Rodney ang kwelyo niya para makatayo siya pero bigla din siya nitong sinuntok sa pangalawang pagkakataon.

He lost.

"Napakaduwag mo!" sigaw nito sa kanya. "Alam mo bang ang ayaw sa lahat ni Quia ay yung nagsisinungaling? Pero siya mismo sarili niya nagawa niyang lokohin!"

Napatingin siya kay Rodney. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Rodney laughed hardly. "Alam niya sa sarili niya na may hindi na tama sa ilang araw mong hindi pagpaparamdam sa kanya. Hindi siya tanga para hindi maramdamang may itinatago ang kapatid mo sa kanya."

Ang kapatid niya? Pinagtatakpan siya?

"But you know what? She become pretender. She pretented to herself that... that all means nothing!  Ayaw niyang mag isip ng kung anu-ano na baka ikasira ng relasyon niyo! Ganoon ka niya kamahal!"

Natahimik siya. Hindi niya alam ang dapat sabihin.  Hindi niya alam ang dapat maramdaman.

Si Quia. Nagawa iyon ni Quia nang dahil sa kanya! Ang tanga niya! How he could do this to her!

Quia doesn't deserve a second aches! He loves her.

"If you walked and passed that hallway, asahan mong wala ka ng Quia na babalikan," iyon lang at nilagpasan na siya nito.

He stood looking at the hallway.

-----

"QUIA!"

Hindi na niya napigilan ang sarili. Pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay bumaba na siya ng stage. Ni hindi na niya hinintay na magcomment pa ang mga judges.

Dumiretso siya sa gilid ng court na punaspunas pa ang mga luha.

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya. Sa sobrang basang basa na ng luha niya ang kanyang mukha ay hindi na niya makita ang paligid sa gabing iyon.

"Hush, tama na yan," si Rizza iyon. Hinimas himas nito ang likod niya.

"Quia!" niyakap siya ni Zyleree.

Nakita niya si Joshua katabi ni Phemie.

"Phemie..." tawag niya dito. Bumitaw siya sa pagkakayakap ni Zyleree. "Phemie, nasaan ang kuya mo? Nasaan si Zejo?" halatang iwas ito. "Phemie!" niyugyog na niya ito pero iyak lang din ang nagawa nito.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now