Chapter 27 - The Meeting

286 17 0
                                    

"PAGKATAPOS NIYONG mag usap, pumasok kayong dalawa. Yung boyfriend mo, papasukin mo ha."

Yun lang at iniwan na sila ng papa niya sa labas ng bahay. Pumasok na ito. Excited siya ng may nagdoorbell. Inunahan pa niya ang kuya niyang lumabas.

Pero mas nagulat siya nang makita niya ang papa niya na nakatayo katabi si Zejo.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang tawagin siya nito.

"I'm sorry, hindi ko alam," basag ni Zejo sa pagkaka-absentminded niya.

"Magkasabay kayo?"

"Nakita ko kasi papa mo na naglalakad kaya sinabay ko na."

"Pero may kotse siya."

"Nasiraan siya. Iniwan niya sa gate ng subdivision."

"Ganoon ba."

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. "I'm sorry."

Kinunotan niya ito ng noo.

"Ano bang sino-sorry mo dyan? Halika na nga." Hinila na niya ito sa braso papasok ng kanilang bahay.

"Oh, hello, Zejo," bati ni Drake. Nakaupo ito sa sofa.

"Drake?" si Zejo. Nagtataka siguro ito kung bakit nandito rin ito.

"Dito ka muna. Samahan mo muna sina kuya at Drake," aniya kay Zejo.

"Bakit?"

"Kakausapin ko si Papa."

Hinawakan siya nito sa braso.

"Ano ka ba, dito ka lang."

Dumiretso siya sa kwarto ng mga magulang niya. Alam niyang doon dumiretso ang papa niya. Kumatok siya bago pumasok.

"Oh, anak, bakit?" salubong ng papa niya sa kanya.

Umupo muna siya sa gilid ng kama. Nag aayos ang papa niya sa harap ng salamin.

"Pa..."

"Oh?"

"Ahm. Yung tungkol kay Zejo..." haixt! Ayon na naman yung kaba niya.

"Anong tungkol sa boyfriend mo?"

Tumingin siya sa papa niya pero hindi niya mabasa ang reaksyon nito.

"Galit po ba kayo?"

Maya maya ay tumabi ito sa kanya.

"Pasalamat yang boyfriend mo at nakilala ko siya bago ko nalamang boyfriend mo siya," tatango tangong sabi ng papa niya. "He's good. Nung nagkakwentuhan kami kanina, masasabi kong he's the best boyfriend I ever known, sa ngayon."

"I know."

"Pero kapag pinaiyak ka niya, sabihin mo sa papa at ako ang bubugbog sa kanya," pahabol ng papa niya.

Natawa naman siya.

"Sabi ko na nga ba hindi ia talags tomboy," maya maya ay pukaw ng papa niya sa pansin niya.

Napatitig lamang siya sa kanyang ama.

"Pa..."

"Yung araw na sinabi mo sa aming gusto mong magpagupit ng buhok and you told us that you're a lesbian, hindi naman ako naniwala nun eh. Dahil alam kong may dahilan ka kaya biglang nagkaganon at darating din ang araw na babawiin mo yun and my baby girl will come back," her father kissed her in the forehead.

"Salamat, Pa," then she hugged her father which hugged her back.

"Ang galing mo pumili, pareho kayong gwapo."

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now