Chapter 29 - Ang Pag-ibig

262 14 0
                                    

"GUSTO MO bang magmeryenda?"

Nasa bahay siya nila Phemie. Dito siya dumiretso pagkatapos niyang magpakita kay Ma'am Santero kanina. Tinanong kasi nito kung anong ita-talent niya sa MHN.

Umiling lang siya kay Phemie. "Hindi na. Painom na lang ako."

"Doon sa may kusina. Akyat muna akong kwarto. Atsaka, alam mo na siguro yung kwarto ni kuya di ba?"

"Ha?"

"Bahala ka nang amuhin yun. Wag mo lang sabayan ng init ng ulo. Baka sumabog kayo."

"Sige. Sige."

Umakyat na ito. Tumuloy muna siya sa kusina para uminom ng tubig.

~~~~~

"JOSEPH."

Sa kwarto nito siya dumiretso pagkatapos niya sa kusina. Unti unti niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito. Tinawag niya ito pero walang sagot. Pumasok na lang siya ng walang paalam. Nakita niyang nakahiga ito nang padapa sa kama. Nakatagilid ang mukha nito sa unan.

Umiling iling siya.

Tulog?

"Joseph."

Pero hindi pa rin ito sumasagot. Tulog na tulog talaga?

Nalibot niya ang tingin sa buong kwarto. Malinis. Maayos na nakalagay ang mga gamit.

Tumango tango siya. Kahit lalaki ito, magaling mag asikaso sa sarili.

Nagtatampo talaga si Joseph sa kanya. Anubayan, totoo kaya yung sinabi ni Joshua? Baka nga iniisip nito na nalalamangan niya ito.

Hindi naman niya iniisip yun e. Ano bang gusto ni Joseph? Na magbago agad siya? Hindi naman agad agad yun e.

Ano bang pwede niyang gawin para masecured sa isip ni Joseph na kanyang kanya lang siya?

She's looking for something. Hmmm.

There you are!

~~~~~

♥... KUNG SABIHIN kong mahal kita,

Yan ay totoo sinta,

Wag na wag kang magdududa,

Hindi kita binobola... ♥

Naalimpungatan siya nang may kung anong naririnig siya. Ano ba yun? Kinamot kamot niya ang mga mata niya. Unti unti siyang bumangon. Umupo siya sa kanyang kama.

Napatitig siya sa isang babaeng nakatayo sa harap ng kama niya. May hawak pa itong gitara.

Ngumiti ito sa kanya.

"Quia?"

♥... Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta,

Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit,

Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta,

Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago ...♥

Napangiti siya. Si Quia? Hinaharana ba siya? Ang ganda talaga ng boses nito. Nakakapangpaamo. Kanina nagtampo siya kasi hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa contest na yun. Hindi talaga siya galit. Ang gusto niya lang naman ay sana nagsabi ito sa kanya. Siguro nga nagtampo siya pero mawawala rin naman yun e. He walked out but that's mean ay sundan siya kaso hindi e kaya dumiretso siya uwi at natulog na lang.

Ang balak niya nga e bumalik sa school at makipagbati kaso mukhang si Quia pa ang gumawa ng paraan para mag ayos sila.

Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Nakakahiya!

♥... Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta,

Kahit na topakin ka, iintindihin kita,

Panghabangbuhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta,

Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako pero... papatawarin kita...

Ah ha huh... ♥

He pouted. Tinamaan siya sa huling linya ng kantang yun.

Napatungo siya.

"Sorry," he said.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya.

"Akala ko hindi gagana yung plano kong yun," natawa ito sa sarili.

Tumayo siya dahilan para tingalain siya nito.

"Pasensya na kanina sa inasal ko, ha. Nagulat lang siguro ako sa nalaman ko," hinging paumanhin niya.

Pinisil nito ang ilong niya na casual na.

"Ayos lang. May mali rin ako na hindi ko agad sinabi," anito.

Niyakap niya ito which Quia hugged her back.

"I love you," bulong lang iyon pero sapat na para marinig ni Quia.

They stayed like that for a about seconds. He kissed Quia on her forehead saying like he doesn't want to lose her anymore.

"May laro ako bukas. Nood ka ha?" Maya maya ay sabi ni Quia.

Tumango siya. "I'll be the bedt boyfriend slash cheerleader slash supporter of yours!"

Natawa lang ito sa kanya which he laughed her back.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now