Chapter 19 - Drake's Side

337 15 0
                                    

"Gabi na naglalaro ka pa rin ng basketball. At mag isa ka pa."

Napahinto siya sa tangkang pag shoot ng bola sa ring nang may biglang magsalita sa likuran niya.

Nilingon niya ito.

"Drake?"

Nakangiti lang ito na nakatayo doon habang nakapamulsa.

"Hello." Bati nito.

Lumapit naman siya dito. "Anong ginagawa mo dito?"

Sinundan niya ito ng tingin nang lapitan nito ang bolang binitiwan niya saka nito ni-shoot sa ring.

"Galing," puna niya.

"Ikaw rin. Kanina pa kita pinapanood e."

Nagulat siya. "Talaga? Kanina ka pa?"

Tumango tango ito.

"Ganda mo nga panoorin habang naglalaro. Hindi ko nga inakalang magkaka-interes ka sa basketball, " iiling iling pa nitong sabi.

Natawa lang siya. "Paano mo naman nasabi yan?"

"Babae ka kasi."

Ewan ba at biglang nawala ang ngiti niya sa labi sa sinabing iyon ni Drake.

"Hindi ko babawiin ang sinabi kong iyon. Kahit ganyan ang gupit mo, ang kilos mo, ang pananamit mo... in my eyes, you're still a girl, Quia."

Hindi siya nakasagot.

"Even your brother, naramdaman mo bang tinuring ka niyang kauri niya? "

"Enough!"

"You are still in love with your opposite sex. With that Zejo. "

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa sinabing iyon ni Drake.

She chuckled. "Bakit naman napasok si Zejo dito?" Kunot noong tanong niya.

Ngumiti lang ito.

"Lahat kayo, sinasabing niyong babae pa rin ako... na kaya ko pa ring magmahal ng opposite sex ko."

"Because that's whay are you doing."

"Wag mo nga akong patawanin! Hindi maganda yang biro mo!"

She felt awkward. Titig na titig kasi ito sa kanya.

"Ano ba Drake!"

"Your eyes are always honest. They will always be telling the truth even if your mouth is telling a lie."

Backfired.

Hindi na siya nakatingin dito ng diretso. Gusto na niyang iwan ito sa court.

Hinuhuli siya nito. Bakit? Masyado nq bang mataas ang pride niya at tinatanggi pa rin niya?

Ano pa bang gusto niya?

Hindi naman niya napansin na lumapit na pala ito sa kanya kaya nagulat talaga siya nang bigla siya nitong yakapin.

"Don't ever lose him again. Pakinggano mo muna siya. Mahal na mahal ka niya. At alam kong mahal mo pa rin siya pero pinipigilan mo lang ang sarili mo nq maniwala. At tinatago mo lang yan sa pagiging lesbian mo."

Natahimik siya.

Bakit? Ano bang alam niya? Bakit sinasabi niya ang mga yan ngayon?

Tinatamaan na siya. Alam niyang kahit ilang beses pa itanggi ng boses niya... kung ang mata naman niya ang nakakakita kung gaano pa rin siya nagpupuyos na maayos ma ang lahat.

Ang gusto lang naman niya ay sabihin sa kanya ni Zejo ang lahat.

"Wushu! Tahan na, maaayos din ang lahat. Second chance is never a wrong move."

Ngayon niya lang napansin na humihikbi na pala siya sa balikat ni Drake.

"Iiyak mo lang yan. Then, tomorrow will be another good day for you."

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now