Chapter 2

1.1K 40 12
                                    

Sinundan na lang niya ng tingin ang babaeng nakapukaw ng kanyang pansin. Pagkapasok palang kasi niya ng room na iyon ay sa kanya na agad ang dako ng mga mata niya.

Mag isa lang kasi ito sa andang dulo sa tabi ng bintana. Nakangalumbaba at tulala.

Ewan niya pero naglakas siya ng loob na lumapit dito. Hinarang niya ang sarili sa tinitingnan nito.

Nagawa naman niyang agawin ang atensyon nito ng linungin siya nito.

Noon niya lang napansin ang haircut nito. Maiksi, pang lalaki. Pero mahaba ang patilya nito sa kanang bahagi ng mukha nito.

He asked for her name.

Oliver?

He confused himself. Oliver? Di ba panlalaki yon?

"You're a girl?"

Hindi niya tuloy maintindihan. Galit ba yon? Babae naman talaga siya diba? Anong problema n'on?

Ngumiti na lang siya sa mga estudyanteng naroon at nakasaksi sa tila eskandalong nagawa nya?

"Youre a transferee, right?" maya maya ay saad ng baaeng lumapit sa kanya.

Tumango siya.

Tumawa ito. "Kaya pala. Oliver is a lesbian."

"Dude! Lagot ka! Singit ng lalaking nasa likuran niya.

"Bakit?" pagtataka niya.

"You felt something different about her, no?" ani n'ong babae.

"Huh?" ang gulo naman nila.

"Ang bobo nito. Halata namang tomboy y'on e. kilos pa lang," ani naman n'ong lalaki.

"Buhok pa lang. sinong matinong babae ang magpapagupit ng gan'on? Men look."

Natauhan siya. Oo nga no? ang tanga niya. Pero akit hindi niya agad napansin y'on?

"oy boy? Anong name mo?" ani n'ong babae. "Ako nga pala si Jaizen."

"Oy! Andrew, tol!" ani naman n'ong lalaki sa likod niya.

Ngumiti siya.

"Zejo. Ezekiel Joseph Aragon. Zejo na lang for short."

______________

Pasalampak na umupo siya sa isa sa mga lounge sa tabi ng court.

Badtrip! Badtrip 'yung transferee na 'yon! 'yung Zejo ba na 'yon?

Hindi ba halata? Tomboy siya? Pnangalandakan pa talaga nito na babae siya!

You're a girl?

"Bwiset!" asik niya!

Absent pa tuloy siya sa subject niya ngayon. Kainis!

"Hoy! Oliver! Ano na naman 'yang ikinaiisang guhit ng mga kilay mo?"

Napatingin siya sa umupo sa tapat niya.

"Ikaw pala, Rodney."

Isa rin ito sa mga kaibigan niya. Ngayon niya lang ulit ito nakita. BSBM din ito pero mag kaiba sila ng section.

"Teka?" maya maya ay pukaw nito. "Di ba may klase ka? Nag ka cutting class ka na pala?"

"Hindi a!" tanggi niya. "May bwiset kasi sa mga kaklase ko "

Tumango tango lang ito.

"Bakit ba?"

Sumimangot siya nang maalala ang lalaking iyon. She really really knitted. Animoy sasapakin ang kaharap.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now