Chapter 24 - Missed

292 15 3
                                    

Phemie calling...

Abala siya sa pag aayos ng kanyang gamit nang tumunog ang cellphone niya. Nagmamadali siya dahil hahanapin pa niya si Quia. Natapos ang tatlong subject nila nang hindi umaatend si Quia. Nag aalala na siya baka kung ano nang nangyari.

Nakokonsensya siya. Baka tumodo na ang galit nito sa kanya.

"Hello?" aniya pagkasagot sa tawag ng kapatid.

"Kuya..."

Nahahamigan niya ang lungkot sa boses nito.

"Phemie..."

"Can we talk?"

"Of course!"

"I'm here in the lounge beside the canteen. I'll wait for you."

Call ended.

Ilang segundo muna niyang tinitigan ang screen ng cellphone niya. Anong nangyari sa kapatid niya? Nag iba kasi ang tono nito ee.

Binulsa niya ang cellphone at tinungo ang nasabing lugar.

Palapit palang siya sa lounge ay nakilala na niya ang kapatid niya. Nakatalikod ito sa kanya. Napansin niya rin ang mga kasama nito. Sina Rizza at Joshua. Wala si Rodney.

"Phemie?" tawag niya sa kapatid pagkaharap niya dito.

"Kuya..." tiningala naman siya nito. Napakalungkot ng mga mata ng kapatid niya.

"Anong nangya------?!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang maramdaman niya ang sakit ng paghihiganti ng palad ni Rizza.

Rizza slapped him on his face without him knowing.

Binalik niya ang tingin kay Rizza pero hindi siya mababakasan ng pagtataka o galit. Tanggap niya ang ginawa ni Rizza sa kanya.

"Anong nangyari?" Rizza said sarcasmly. "Tinatanong mo kung anong nangyari?! E kung ibalik ko kaya sayo yang tanong mo?! ANONG NANGYARI?!"

Tumingin siya kay Phemie, nakatungo lamang ito. At alam niyang nagtitiis lang ng galit si Joshua na nakaupo sa kanang bahagi ng lounge.

Si Quia...

Umiling iling siya. "I'm sorry." Naikuyom niya ang mga kamao niya. "I don't meant to hurt her."

Rizza just chuckled at him. "Sorry?! Dyan ka naman magaling e, sa sorry mo!!"

"Tama na yan, Rizza," awat ni Joshua. Hinawakan na nito si Rizza sa braso.

"Hindi pa ako tapos!"

"Enough!"

"Kuya..." tawag sa kanya ng kapatid niya. "Alam mo ba, that's the very first time I ever seen Quia cried like a girl..."

Natahimik siya.

Quia cried... like a girl?? Quia cried because of him.

"Nagulat ako nang makasalubong ko siya sa hallway kaninang umaga, bigla niya akong niyakap. Umiiyak siya sa balikat ko. I hushed her the best that I could... trying to comfort her. I asked what happen then she just answered me of a phrase that made me shocked..." his sister looked at him seriously.

"...I admit, I still love your brother!"

Hindi niya alam ang dapat gawin or else ang dapat maramdaman. Quia still love him. Narinig na niya iyon kanina. But he felt uneasy. Ang tanga tanga niya! Umiiyak na naman si Quia nang dahil sa kanya! The hell with him! D*mn it!

"Where's Quia?" wala sa sariling natanong niya.

Napansin niyang natahimik silang lahat. Bakit?

"Nasaan si Quia?" Ulit niya.

Tumingin sa kanya ang kapatid niya. Pero blangko ang facial expression nito. Bakit ayaw siyang sagutin ng mga ito? Nasaan si Quia?

Pero laking gulat niya nang may biglang dumaan sa harap niya galing sa kanyang likuran.

Umupo ito sa tabi ni Phemie. Sinusuklay pa nito ang buhok gamit ang mga daliri. Saka kinamot kamot ang patilya.

Natahimik siya. Andyan na ang hinahanap niya o tapos? Yun lang. Hindi na siya nakaimik.

"Saan ka galing?" Tanong ni Phemie kay Quia.

Tumingin naman ito sa kapatid.

"Tinawag kasi ako ni Coach Reyes. Maghanda na daw ako para sa start ng intrams next week. Tsaka pinaalala na din niya sa akin yung jersey ko para sa opening ceremony."

Tumango tango lang si Phemie. "Good luck!"

Then he felt that awkwardness when Quia turned on him.

"Bakit ka nakatayo dyan? Hindi ka ba nangangalay?"

Nganga?

Hindi niya alam ang isasagot kaya umupo na lang siya sa katapat nitong upuan.

"Where's Princess?"

Nabigla siya sa tanong na iyon ni Quia. Saan siya huhugot ng sagot?

"Ha? Ah... a-ano..."

"Sinong Princess?" Usisa ni Phemie.

"Bestfriend ng kuya mo," ani Quia.

Tumingin si Phemie sa kanya. Kinabahan naman siya sa titig ni Rizza.

"May bestfriend ka pala?" Pagtataka ni Joshua. "Princess ha?"

Tinitigan siya ng kapatid.

"Ah... a-ano... u-umuwi na siya," tanging nasabi niya na lang.

Tumango tango si Quia.

Silence remains.

"Quia..." hindi na siya nakatiis kaya tinawag niya ang pansin nito.

"Bakit?" anito.

"C-can we talk?" Alinlangan pa niya.

"Go on," napansin niyang hinilig nito ang ulo sa balikat ng kanyang kapatid.

"Alis muna ako, may klase pa ako ng 12 ee," ani ni Joshua.

"Sabay na ako," si Rizza. Pero bago ito tuluyang umalis ay nag iwan muna ito ng mensaheng ikinakaba niya. "AYUSIN MO YAN!"

Silang tatlo na lang doon. Siya, si Quia at ang kapatid niya.

"Hindi siguro sagabal ang kapatid mo sa kung anong sasabihin mo di ba?" Pauna ni Quia.

"It's okay," aniya. "I just want to say I still love you."

Mataman lang na nakatingin si Quia sa kanya samantalang ang kapatid niya ay parang wala lang doon.

"Can you still say that to me after Princess confessed to you?"

"We're just bestfriends. I love her as that."

Bigla ay tumayo si Quia at lumapit sa kanya. Yumukod ito para magpantay ang mga mukha nila dahil nakaupo siya.

Their eyes met each other as they're just the two of them.

Nagulat siya nang biglang pinisil ni Quia ang ilong niya.

"Ah! Para saan yun?!" Tanong niya sabay himas sa ilong niyang nasaktan.

"Masakit?"

"No," pagsisinungaling niya.

Ngumiti naman ito na ikinatuwa niya. Quia smiled at him. That's the best thing happened for him. Quia is beautiful even in that kind of hairstyle. Pareho silang gwapo. Mapula pula pa rin ang pisngi nito. Maamo pa rin ang mukha nito after those years.

How he missed his girl? His Quia. His girl.

Nagtaka pa siya nang nilapit ni Quia ang bibig nito sa tenga niya sabay bulong...

"I missed you, Shimay."

That made him smile, the sweetest one.

~~~~~~~~~

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant