Chapter 11 - Basketball Scene

482 24 1
                                    

"Hoy, dre, hindi mo naman sinabi sa aking may practice pala tayo. Uuwi na sana ako e."

Tulala lang si Zejo na nakaupo sa gilid ng court. Dinala kasi siya ni Andrew sa nasabing lugar matapos siyang mabunggo ng huli sa may hagdan na kamuntikan na niyang ikatumba.

Lumilipad pa rin ang isip niya nang may biglang tumabi sa kanya. Hindi niya ito binigyang pansin kaya laking gulat niya nang bigla itong pagtuunan ni Andrew.

"Hoy, Oliver! Bilisan mo naman!" sigaw ni Andrew.

"Oo na!" sagot ng katabi niya.

Gulat nang napalingon siya sa kanyang katabi.

"Quia?" tawag niya dito.

Lumingon naman ito sa kanya. Halatang nagulat din ito sa kanya pero nabura din iyon sa mukha nito.

"Oh, Zejo, try out ka?"

Kumunot ang noo niya. Ha? Bakit parang normal lang na nakikipag usap sa kanya ai Quia?

Looks like there's nothing happened.

"H-ha?" aniya.

"Oo nga, Zejo. Bakit hindi ka mag-try-out? Marunong ka bang magbasketball?" sapaw pa ni Andrew.

Nakatingin lang siya kay Quia habang abala ito sa pagsisintas ng sapatos nito.

"Ikaw? Magta-try-out ka?" tanong niya kay Quia.

"Hindi. Varsity player na ko e. Basketball girls. Bakit? Interesado ka?"

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Masaya na hindi.

Kinakausap na siya ni Quia.

Anyare?

Maya-maya ay tumayo na ito.

"Hoy! Andrew! Doon kami sa kabilang ring ha. Boys d'yan sa kanan," sigaw ni Quia kay Andrew.

"Oo na!" sagot ng huli.

Nag umpisa na ang practice. Kanang ring yung mga boys, kaliwa yung mga girls.

Pinagmamasdan niya lang ang paglalaro ni Quia. Mahusay. Laging shoot!

Napailing-iling siya. Hindi naman marunong si Quia ng basketball dati ha? Nagpapaturo pa ito sa kanya e.

BOGS!

Tulala kasi. Ayan, tinamaan siya ng bola. Tsk! Tsk! Hindi marunong umilag.

"Ano ba yan! Sensya na, Zejo," hinging paumanhon ni Andrew. "Sumali ka kaya sa amin. Try-out ka na rin."

Napaisip siya.

"Ano na?"

Tumayo siya. "Sige na nga."

"Yun yun e!"

Halos pagpawisan na siya sa paglalaro. Nakakapagod rin pala. Mahusay ring player si Andrew. Lagi itong nakaka-shoot.

Nakatayo na lang siya malapit sa ring, nag aantay pasahan ng bola nang mapansin niya si Andrew na palapit sa grupo ng basketball girls. Lumapit ito kay Quia. May sinabi ito dito. Napatingin kasi ito sa kanila. Napansin niyang kumunot ang noo nito.

Ano ba yon?

Maya-maya ay bumalik na sa kanilang grupo si Andrew.

"Pare, anong sinabi mo d'on?" usisa ng isa nilang kagrupo.

Ngiting ngiting lumapit sa kanya si Andrew at hinarap ang mga kasama nila.

"Humanda na kayo. Magkakaroon tayo ng one on one game. Basketball boys versus girls," deklara nito.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang