Chapter 26 - Meet the Authority

308 15 1
                                    

"DARATING SI papa."

Muntik na niyang maibuga sa harap ng t.v. ang juice na iniinom niya nang marinig ang announcement na iyon ng kuya niya.

"Anong problema mo?" puna ng kuya niya nang mapansin nito na halos malunod siya sa iniinom niya.

"Sigurado ka, kuya? Uuwi si papa ngayon?" Paninigurado niya.

Tumango tango ito. "Oo nga! Bakit? Darating din si Zejo?"

Napatingin siya sa kuya niya. "Paano mo nalaman ----- ?"

"Sus! Ikaila mo pa!"

"Hindi ah!"

"Buti nga yun. Para ma meet na niya si papa. Sakto, namamalengke si mama para sa hapunan."

Nakunot niya ang noo. Paano na yan? Haixt!

"Olwen!"

Napatingin siya sa labas ng bahay nila. Ang mama nila!

Lumabas ang kuya niya para tulungan ang mama nila sa mga pinamalengke nito.

"Mama, damihan mo pagluto. May bisita si Quia mamaya."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ng kuya niya.

"Kuya!"

"Sino?"

"Boyfriend niya."

"Kuya!" mas lalo pa niyang pinalakas ang tawag niya dito.

Sumunod siya sa kusina.

"Ma," tawag niya sa mama niyang nag aayos na para sa lulutuin nito.

"Oo na. Sige na. Dadamihan ko na pagluluto," biglang sabi ng mama niya.

"Hindi iyon, ma."

Tiningnan niya ng masama ang kuya niya nang maramdaman niyang sasabat na naman ito.

"Darating din si Drake, ma." Yun lang at umalis na ito.

Si Drake?

Nagkibit balikat lamang siya.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo, Quia?"

Ngumiti siya sa mama niya.

"Ahm. Eh. A-ano. Kasi. Yung sinabi ni kuya, kanina? Ano."

"Excited na akong makita ang boyfriend mo. Darating ba talaga siya mamaya?"

"A-ano po. Ma, hindi po kayo galit?" nag aalangang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" anito habang naggagayat ng mga gulay.

"Ano, ma," ano ba yan! Hindi niya masabi nang diretso. "Okay lang ba, ma, na may boyfriend na ako?" napipikit pa siya pagkasabi nito.

"Oo naman."

Napatitig siya sa mama niya. Sumandal siya sa mesa paharap sa mama niya.

"Talaga? Akala ko magagalit ka kasi."

"Magagalit ako kapag tumuntong ka ng edad ma trenta e wala ka pang nagiging boyfriend."

Napakunot noo siya. "Ma? E paano yung pagiging... t-tomboy ko? Yun yung tinutukoy ko?"

Her mom smiled at her. "Hindi ko naman sineryoso yung sinabi mong tibo ka. Alam kong babae pa rin ang anak ko at alam kong isang araw, may magpapatibok dyan sa puso mo na lalaki na mamahalin mo rin."

"Ma..." gusto niyang umiyak. Lumapit siya dito at mula sa likuran ay niyakap niya ang mama niya. "Thank you, ma"

"Oops! Papa mo uuwi. Panigurado, kikilatisin iyon ng papa mo."

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now