Chapter 1

38.4K 564 42
                                    

Gab's POV


**Class Dismissed**

Napabuntong hininga nalang ako matapos yun sabihin ni sir. Kanina ko pa gustong matapos ang tinuturo niya tungkol sa history, dahil wala akong maintindihan. I hate history, ever since. Di naman ako katulad ng iba sa section na ito na masyadong seryoso sa pag-aaral. Syempre matalino din naman ako, kaso limited nga lang.


"Tara na sa cafeteria Gab" sabi ni Hailey sa tabi ko habang may nakapasak na earphones sa tenga at humakbang palapit sakin.

Di ko na namalayan na recess na nga pala pagkatapos ng subject namin sa history.Para kasing di na ako nakakaramdam ng gutom. Haha abnormal na yata ako.
Lumingon ako sa buong room namin at kami nalang palang dalawa ang natira. Ang bilis kasi ng mga kaklase ko pagdating sa pagkain eh.



Di na ako sumagot kay Hailey at mabilis na kinuha ang wallet ko at sumabay sa kanya palabas.


Bago pa mahuli ang lahat. Ako si Gabby Sandoval. Gab for short. 17 years old student ng Xander High. 3rd Year High School at kabilang ako sa tinaguriang Worst Section ng University na to. Nakakatawa mang isipin pero kami naman talaga yung pilot section kaso nga lang. Ewan ko ba, Yun na ang pagkakakilanlan samin. Pangit man pakinggan kung sa iba. Pero samin kasi, pakiramdam namin na kakaiba kami sa kanila. Kaya wala na din kaming pakialam.



NBSB din ako. And I'm not ready to minggle. Yari na ako sa kuya ko nito pag nagkataon. Kaya ito ako hanggang asa lang sa crush ko. Trying hard na sana mapansin niya din ako pagdating ng panahon. Well, di naman ako nagmamadali sa pag ibig. Dahil hello? andami namang lalaki jan. Di naman siguro ako mauubusan agad agad. Tsaka always remember the 7b's. Books Before Boys because Boys Bring Babies. clap.clap.clap. Dalagang Pilipina kaya ako. Hakhak. Darating din tayo sa point na yan. Right place, Right Time, Right Person. Naks!




Anyways, kasalukuyan kaming naglalakad ni Hailey papuntang cafeteria na wala ng ibang ginawa kundi mangalikot ng cellphone niya. Kanina pa nga yan eh, di ko nalang pinapansin. Buti nga di nadadapa ang bruha.



Kung di niyo natatanong, dakilang best friend ko si Hailey. Simula kasi bata magkakilala na kami kaya ganun. Tsaka yung mga magulang namin magkaibigan na ever since. Kaya yun. Mabait si Hailey at Simpleng babae. Isa sa mga katangian na gusto ko sa pagiging best friend niya sakin. Partner in crime ko din yan kahit masyadong busy lagi sa phone. Laging sabay sa trip ko kaya nagkasundo kami. Di pati siya maarte di tulad ng iba kong kaklase, kung hindi ay baka nasipa ko na yan matagal na.



"Nakita mo si Iggy?" salubong samin ng magaling kong kapatid. Ano na naman kayang ginawang katangahan ni Iggy Boy. Lagi nalang yun puro kalokohan.



"Hindi" Deretsong sagot ko dahil yun naman ang totoo. Naglalakad lang kami dito at wala akong nakita ni anino ni Iggy. Baka nandoon na yun sa room.




Agad na umalis si Kuya Gab at karipas na tumakbo. Oo tama ang nabasa niyo. Gab din ang nickname niya gaya ko pero magkaiba naman ng ibig sabihin. Gabriel siya samantalang Gabby ako. Karipas itong tumakbo sa direksyon kung san kami nanggaling. Nanguha na naman siguro ng pagkain si Iggy. Patay gutom ang mokung na yun eh.




"Ano daw nangyari?" mahinhin na tanong ni Hailey sakin habang tinatanggal ang isang earphone na nasa kanang tenga niya. Di ko na namalayan na nakapila na pala kami.




"Wala, Si iggy daw" walang ganang sagot ko. Di na siya nagsalita at tinuon ang atensyon sa cellphone niya.



Mabagal na nausad ang pila, pero ngayon nasa counter na kami ni Hailey. Madami kasing tao dito ngayon, dahil ito ang main cafeteria. Nakita ko sina Cassadra na mga kaklase ko na nagkekwentuhan kasama sina Phoenix. Tapos sa katabing table nito ay sina Kaylee at Lucas. Mukhang masaya silang lahat base sa ngiti ng bawat isa.

Worst Section Where stories live. Discover now