Chapter 9

5K 161 3
                                    

Gab's POV

"Okay get one whole"

'Yah wala akong one whole'

'Pahinging one whole'

'Pahinging bes. 

'Pahingi din.  Labyu'


Kabi kabilang bulungan ang naririnig sa apat na sulok ng room namin dahil lang sa paghingi ng papel.  Sa pagkakaalam ko, sa university sila nagaaral, may mga kaya sa buhay, pero walang papel? Nakakaloka. 



Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.Nakakaasar lang na katatapos lang niya magturo samin about sa mole pero may kasunod na agad na quiz.  Hindi naman kasi porke sabihin na nating ganun nga siya kagaling magturo, depende pa din yun kung naintindihan ba ng bawat isa samin. 



"Ma'am time na po tayo" Lumingon ako sa bandanh likod at si Alex pala yung nagsalita.  Tiningnan ko ang aking suot na relo pero may 10 minutes pa naman bago magtime. Pero sabagay, pare pareho lang naman kami ng gusto dito.  Ang hindi magquiz.


"May 10 minutes pa tayo" kalmadong tugon ni ma'am sa kabila ng pagrereklamo ng bawat isa sa amin. 



"Eh ma'am di pa naman po namin gamay" reklamo ni Cassandra sa likod.  May point siya dun.



"Oo nga po ma-"


"Kung yang nirereklamo niyo ay nakuha na kayo ng one whole para mabilis tayong matatapos" malakas na saad ni ma'am na tamang tama sa mga mukha namin. Sabi ko nga kukuha na ako ng one whole. Kahit kailan naman siya lagi ang masusunod.  Isang hamak na estudyante lang kami at teacher siya. 



Tahimik akong tumalikod at kumuha na lamang ng one whole.  Mabuti nalang pala at inintindi ko yung diniscuss kanina.  Nasesense ko na kasi na may quiz na naman kaya mas mabuti na yung laging handa. 

"Okay number one"



Mabilis akong yumuko at tinuon nalamang ang buong atensyon sa papel na nasa harap ko ngayon.  Sana lang madali ang ibigay na problem para madali na akong makatapos. 



"What is a mass in grams of Hydrogen in water?" deretsong saad ni ma'am ng walang pagaalinlangan. 


"Pakiulit nga po ma'am!" lumingon ako sa nagsalita at si vince na naman as usual.  Siya na nga tong nasa unahan pero di pa niya narinig.  Loko talaga.



"I'll repeat. What is a mass in grams of Hydrogen in water?" ani niya sabay  sulyap kay vince.  Di ko alam kung galit ba siya o ano.  Nagtatanong lang naman yung tao eh.  Perk sabagay, ang bingi kasi.



"Next na po" ani ni Sam sa kawalan. 


"Tss. Echosera" -Cassandra.


Di ko na sila pinansin at tumingin nalang sa unahan.  Medyo sanay na din naman ako sa ugali ni Cassandra na may pagka maldita. Di ko alam kung trip niya lang bang mangasar o sadyang ganun lang siya. 



"You may start answering"


Nakahinga ako ng maluwag ng sabi yun ni ma'am. Buti nalang at isang tanong lang at yung madali pa. Kaya naman siguro namin sagutan yun. 



"psst gabby"



Bahagya akong lumingon sa likod dahil tinatawag ako ni Hailey. Nakayuko siya at tila pinipigilan na makita siya ni ma'am. "Bakit?" mahinang tugon ko dahil baka may makarinig pa samin. 




Worst Section Where stories live. Discover now