Chapter 14

4.3K 146 0
                                    

Gab's POV

Nandito na kami ngayon sa car park ng university para hintayin si matt. Nakakatuwa lang isipin na nakisama samin ngayon ang tadhana dahil pinauwi kami ng maaga.  Makakapaggala pa kami ng mahabang oras.  At nga pala, hindi na ako nagsabi kay kuya na may pupuntahan ako dahil si matt na daw ang nagpaalam para sakin bago niya ako tanungin. Hindi naman ako nagaalala dahil safe naman kasama si matt tsaka andyan pa naman sina Hailey at Iggy. 

"San daw ba tayo pupunta?" nilingon ko si hailey sa likod na parang hindi na makapaghintay dahil nagpapapadyak na siya. 

"Wala namang sinabi si matt eh" seryosong sagot sa kanya ni Iggy.  Bigla akong nanibago sa isang to dahil madalas na siyang matino kausap.  Pero hindi ko naman sinasabi na abnormal siya, minsan kasi puro siya kalokohan. 

"May sinabi ba sayo Gab?" dagdag pa niya. "Wala nga din eh. Nag aya lang siya kanina,  nalimutan ko na din naman itanong kung saan pupunta" sunod sunod na sagot ko kaya tumango nalang sakin si Iggy.  Pakiramdam ko talaga may iba sa taong to. Di ko lang maisip kung ano ba yun. 

Makalipas ang ilang minuto dumating na si matt dala ang kotse niya.  Napagpasyahan kasi namin na kotse nalang niya ang gamitin kesa yung kay Iggy. Siya naman daw kasi nagakit samin kaya responsibilidad niya daw kaming dalhin kung saan man. Di na naman kami nakatanggi kaya go lang.



Sa katabi ako ni matt ngayon dahil napagkaisahan ako nung dalawa. No choice tuloy, kaya dito na ako napaupo.  Pero wala naman akong dapat ipagalala sa sitwasyon ko ngayon.  Katabi ko lang naman siya at wala naman yung malisya sakin.  Magkaibigan kami. That's it.


"Si Yohan yun diba?" mabilis kaming lumingon sa direksyon na tinuro ni Hailey.  Hindi pa naman kami gaanong nakakalayo sa university kaya medyo tanaw pa ang campus. "Oo nga no.  Bakit kaya nandyan pa siya. Uwian na kaya" ani ko. Nanatili pa din akong nakatingin kay yohan habang dala ang bag at ilan sa mga libro niya.  Saludo talaga ako sa isang to dahil sa kasipagan sa pagaaral. 


"Baka may gagawin" si matt naman ang nagsalita habang nakahawak sa manibela at saglit na lumingon kung san kami nakatingin. "Oh may pinapagawa sa kanya" dagdag naman ni Iggy na parang mas posible.  Kilala namin si Yohan at alam kong hindi siya makatanggi sa teachers.  Pag kasi inuutusan siya, tango lang siya ng tango na parang walang problema lagi.  Ginagawa niya yun agad ng buong puso at husay.  Di ko alam kung uso sa kanya yung salitang "pahinga". Pero mukhang hindi eh. 


Medyo nakalayo na nga pala kami sa university at nawala na din sa paningin namin si Yohan. Tahimik kaming lahat at parang wala din silang gana makipagusap.  Nilingon ko yung dalawa sa likod at as usual nakaearphones lang si Hailey samantalang si Iggy naman ay tahimik lang na nakatulala sa labas. Mukhang hindi sila nagaaway ngayon.


"May alam ba kayong pasyalan dito?" tanong ni matt sa kawalan habang deretso paring nakatingin sa kalsada. Napaisip ako bigla sa tanong pero wala akong alam. Minsan nalang kasi ako maglayas.



"Sa park?" suggestion ni Iggy sa likod. "Anong gagawin natin don?" tanong sa kanya ni Hailey na ikinalingon ko. Mukhang magsisimula na nga po ang away. 


"Sa may playground nalang" suggestion ng best friend ko. Tanging sila lang dalawa ang nagsasalita sa oras na to at wapakels lang kaming dalawa ni matt.  "Puro bata kaya dun. Tsaka di ka na bata" sagot naman ni Iggy.  Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa tuwing nagaaway. Di ko alam kung may something na ba o ano. 



"Eh san mo ba gusto?" dagdag na tanong ni Hailey.

"Sa piling mo"


Napangiti nalang ako sa kawalan dahil sa banat ni Iggy. Lumingon ako ng bahagya kay Hailey na natameme na at nakaiwas nalang ng tingin sa mga oras na to.


Worst Section Where stories live. Discover now