Chapter 17

3.7K 131 11
                                    

Caleb's POV

"Hindi mo ba dala yung bola?"

"Di ko naman alam"

"San tayo pupunta ngayon?"

"Tsk"


Tahimik akong nakikinig sa pagtatalo nina Andrew sa harap ko ngayon dahil lang sa bola. Hindi naman kasi alam ni Lucas na ngayon niya yun dapat dalhin. Hindi tuloy sila magkaintindihan ngayon.  Balak kasi namin pumunta sa gym habang recess pa.



Ako si Caleb Lewis.  Isa sa mga estudyante ng worst section.  Hindi naman sa nagmamayabang pero isa ako sa mga heartthrob ng campus.  Di ko ba alam sa kanila kung bakit, siguro sadyang gwapo lang ako. Ball is life ako gaya ng aking mga kaibigan dahil dun ako masaya.  Pero maraming pagkakataon na mas gugustuhin ko pang manahimik dahil wala ako sa mood gaya ngayon. Nakakatamad kasi magsalita. Tsk.



"Wag ka ngang manahimik jan Caleb" bulyaw sakin ni Phoenix na nakakunot ang noo.  Sa pagkakaalam ko, heart broken siya.  Pero mukhang nakamove on na ang loko.  Ayon kasi sa kanya, may bagay talaga na akala mo sayo na pero sa huli hindi pala. Tsk. Kadramahan.



"Tara sa gym" walang ganang sabi ko sabay una ng naglakad.  Bakit ba kasi nakakatamad na sa campus na to.


'Ang gwapo talaga niya'

'Yieeeee'

'Manahimik na nga kayo jan'


Bahagya akong napalingon sa mga babaeng nagtitilian dahil lang sa pagdaan namin.  Pero ako lang talaga yung tinitilian.  Hays.  Gwapo lang. Deretso lang akong naglakad hanggang sa makarating sa gym dahil wala akong balak makipaglandian sa mga babaeng yun.  Ako yung tipo ng lalaki na masyadong mapili pagdating sa babaeng mamahalin.  Mas gusto ko yung babaeng desente, inosente, at hard to get hindi katulad nung mga babae kanina na sila pa naghahabol sa lalaki. 



"Ang gwapo mo talaga fafa" natatawang sambit ni Lincoln habang palapit sakin.  Sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil nababakla na naman. 



"Oy Caleb. Si Hannah oh.  Kasama si Chloe.  Diba may gusto ka kay Hannah?"


Mabilis akong lumingon sa sinabi ni Andrew. Nakita ko nga si Hannah na kasama si Chloe.  Mukhang galing sila sa cafeteria.  Hays.  Napatitig nalang ako sa kawalan kay Hannah.  Hindi maipagkakaila na iba ang ganda niya sa lahat ng mga kaklase ko.  Mahinhin, mabait, at desente.  Nasa kanya na nga ata lahat pati pusong bato.  Pag kasi nilalapitan ko siya,  snob nalang lagi. 



"Bayaan niyo siya" yun nalang ang nasabi ko sabay iwas ng tingin. "Bro, nasuko ka na agad? Di pa nga nagsisimula ang laban eh" malakas na tugon ni Phoenix na parang sobrang layo namin sa isa't isa. 


"Habulin mo na" ani naman ni Andrew. 


"Oo nga. Baka maagawan ka pa ng iba jan" nakakalokong ngiti sakin ni Lincoln kaya sinamaan ko siya ng tingin. 



"Di naman ako malandi gaya niyo.  Kaya tigilan niyo ko jan." ani ko sabay alis.  Deretso akong naglakad papunta sa court at naglaro ng bola. Totoo naman kasi yung sinabi ko kanina na kahit heartthrob ako dito sa campus, hindi ako nagtetake advantage sa mga babae para paglaruan sila. Magaling ako maglaro ng bola pero hindi ng feelings ng iba. 


"Hoy Caleb. 5 minutes nalang" sigaw ni Lincoln sakin.  Kahit hindi ako lumingon, alam kong siya yun dahil siya lang naman ang mahilig sumigaw namin.Lagi nalang kasi suot ang headphones kaya akala niya ang hina ng boses eh ang lakas lakas na nga.  


Worst Section Where stories live. Discover now