Chapter 6

7.3K 278 6
                                    

Iggy's POV

Kanina pa ako nandito sa University at naghahanap ng kasama. Ngayon kasi yung audition namin sa brass band at confident naman ako na matatanggap ang isang tulad ko.  *wink*
Kulang na lang maglamig ako dito at maging yelo kahihintay kina Gabriel.  Hindi ko naman matext o matawagan dahil nalimutan ko yung cellphone kamamadali kanina. 

Ako nga pala si Iggy Valdez. 18 years old.  Mabait, mayaman, medyo matalino at syempre gwapo.  Kasalukuyan akong nagaaral sa Xh university at kabilang sa worst section. Yun ang pagkakakilanlan samin ng halos lahat ng teachers dito.  Kaya kami famous eh, hahaha. 

Single din  ako and always ready to minggle.  Hindi naman sa nagmamayabang pero kasi maraming babae sa university na to ang may gusto sakin, kaso nga lang wala kong gusto sa kanila kaya dedma lang. Hindi naman ako nagmamadali pagdating sa pagibig dahil naniniwala ako na True love waits. Kaya pag nakarinig na ko ng dugdug, meaning she's the one.


Bago ko pa malimutan, andito ako sa Xh at kasaluluyang naghahanap sa mga maaagap kong mga kaklase. Wala pa siguro sina Gab kaya naglakad lakad muna ako hanggang sa may makitang kakilala.  Bakit kasi sa buong section namin at sa dami naming magkakaklase.  Bilang lang ang laging maagap. Yung iba, kung sino pa yung laging may dala ng susi, sila pa yung pabagal bagal sa pagkilos na tila walang naghihintay.  Kaya nga minsan nakakahiya na din na mismong teacher pa ang nagbubukas ng room namin. 

"Good Morning to each and everyone of you.  Today is the start of our audition. So please, all of the students in XH come here in the gymnassium,  list your names and in a few minutes we will start"

Napasinghap nalang ako ng biglang magsalita sa stage ang Head ng Mapeh department.  Wala na akong ibang magawa dito kundi lumingon nalang at magbaka sakali na may makikitang kakilala.

"You're Iggy right?"

Mabilis akong napalingon sa nagsalita at si Madame principal pala yun. Nakangiti ang mapupula niyang labi at halos magalit ang make up sa sobrang kapal. Psh.Napressure tuloy ako.  Iggy ayusin mo ang pananalita. 

"GoodMorning po. Ako nga po" magalang na sagot ko sabay ngiti ng fake. Mukhang magkakalagnat pa yata ako.

"Bakit di ka pa napunta dun?" tanong niya sakin sabay turo dun sa lamesa kung saan nagpapalista ang mga may balak sa audition. 

"May hinihintay pa po ako hehe" ngisi ko sa kanya. 

"Sige po mam.  Nandyan na po sila eh. Mauuna na po ako" paalam ko sa kay madame kahit ang totoo wala pa naman sila.  Masyado kasing nakakabanas eh. 

"Sige"

Mabilis akong kumaripas ng takbo at luminga linga sa kaliwa't kanan, pero kahit anong gawin ko hindi ko padin sila makita. 


"Aray! Ano ba!" agad akong nawala sa kantinuan ng may mabangga ako bigla.  Di ko na kasi namalayan dahil sa sobrang pagmamadali, kahit di naman kailangan. 

"Uh-m sorry nagmamadali kasi ako eh. Baka maiwan na kasi kami sa audition......Hailey?"

"Iggy?"

"Ay hindi. Vince ata " pamimilosopo ko sa kanya kaya sinamaan lang ako ng tingin.

Hindi na siya nagsalita at aalis na sana.  Kaso dahil kaklase ko naman siya,  sa kanya nalang muna ako jojoin mukha namang wala siyang kasama kaya mabilis akong tumakbo at hinarangan siya. 

"Oy sandali lang naman.  Nakita mo ba sina Gabriel?" aligagang tanong ko dahil baka may alam siya. 

"Papunta na daw sabi ni Gabby. Nagtext sakin" walang ganang sagot niya. Tumango tango nalang ako sa buong paligid at nagmasid.  Medyo dumami na din ang mga tao dahil marami talaga ang may gustong makasali sa band.  Para kasing ngayon na lang uli magaactive ang Mapeh eh. 

Worst Section Where stories live. Discover now