Chapter 19

3.2K 157 2
                                    

Kaylee's POV

"Mga bes sino kagroup ko dito?"


Naglakad ako  sa kung saan saang parte ng room namin para lang mahanap ang mga kagrupo ko.  Sa dinami dami ba naman kasi, nalilimutan na namin kung sino sino. 


'Ako din sino ba kagrupo ko dito?"

'Oo nga. Limot ko na talaga'

'Dami ba naman kasi'



"Kaylee kagrupo ka yata namin!" bahagya akong lumingon sa sumigaw at si Sam pala.  Lumapit na ako sa may parte nila dahil baka sila na nga.


"Group ano ba kayo?" ako na yung nagtanong dahil baka naliligaw lang pala ako. Sa sampung subjects namin, hindi biro ang magkaroon ng maraming groupings. Kahit naman kasi mga bagets palang kami, hindi pa din maiiwasan na makalimot. 



"Ano nga bang group tayo?" Lucas


"Group 2" nilingon ko si sophie na hawak ang listahan ng mga pangalan namin . "Dito ka nga samin kaylee" aniya.  Umupo na ako sa tabi ng upuan ni Sam at tahimik na tumitig at naghintay ng susunod na mangyayari. 



"Ano bang gagawin?" walang ganang ani ni Alex.  Halatang hindi siya interesado gaya ko. Hays.


"Sir?"



"Yes Ms. smith?" bahagya akong tumikhim bago magtanong dahil baka mautal pa ako. Makapal naman ang mukha ko sa mga ganitong bagay kaya gagalingan ko na.



"Ngayon na po ba isusulit dapat to?" ani ko. Wala akong pakialam kung paulit ulit ng sinasabi yun. Nagbabakasakali lang kasi ako na baka magbago pa ang takbo ng utak ni sir at bumait siya sa mga natitirang segundo sa mga oras na to. 




"Of course. Kailan pa ba dapat isulit yan?" pabalang na sagot niya sakin kaya di ako nakasagot kundi ang pagtango nalang. Ano ka ngayon kaylee?



Hays. Ako si Kaylee Smith.  Isang tamad na nilalang sa room na ito . Hindi ko alam kung bakit nakakasurvive pa ako sa mga grading na dumarating na wala manlang effort sa pagaaral.  Sobrang saya ko na lang talaga na kahit papaano ang bait sakin ni Lord. Well, hindi naman sa literal na tamad.  Basta, pagdating kasi sa mga pagiisip ng mga bagay bagay sa school tamad ako. Ayaw ko ng napapagod eh. Haha

"Ikaw Kaylee?"


"Ha?"


Nakatingin ako sa kanila sa kawalan dahil di ko na alam kung ano ng nangyayari.  Hays,  tumulala ka nalang forever kaylee. Tsk.




"May idea ka ba? Isusulat na ni Sophie eh." napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Sam dahil sa mukha palang ng pagtatanong niya. Halatang umaasa na may isasagot ako sa mga oras na to.  Hays. Kulang na nga lang na maglakad ako palabas at magsabi ng "I'm sorry sir.  I'm walking out".Psh.




Tumingin ako sa output namin at medyo madami na din namang naisulat si Sophie. Hays. Umakto nalang ako na parang nagiisip para di naman masyadong halata na wala manlang akong naicontribute sa grupo na to.  Masyado namang nakakahiya pag ganun.  Yung ang iisipin ng ibang tao sayo na nadala ka lang pataas dahil sa kanila.  Tsk.  Pinakaayaw ko yung ganung scene.  Para kasing pinapalabas nila na manggagamit ka. Kahit hindi naman yun ang intensyon mo.




Pano kung tinatamad lang talaga gaya ko?




"Ah-m pwede bang ilagay niyo nalang na isa yan sa magagandang nobela?" ngisi ko sa kanila na sana iconsider. Walang nagsalita sa kanila at pare pareho kaming nakatingin sa manila paper na hawak ni sophie.





Worst Section Where stories live. Discover now