Chapter 23

3.1K 122 6
                                    

Matt's POV

"Madami pang nakasama satin?"



Kanina pa tanong ng tanong ang magaling kong ate tungkol sa results ng mga nakapasa sa brass band.  Kung san san kasi pumupunta kasama yung kuya ni Gabby, yan tuloy walang alam sa mga nangyayari.




"Oo, pati nga sina Vince eh.  Kasama" walang ganang sagot ko sabay kagat ng hotdog. 




Maagap akong nagising ngayon dahil masyado akong napagod kahapon sa di malamang dahilan.  Pagkatapos kasi namin tingnan ni Iggy yung nga results,  inakit ko na siya pauwi.  Di na tuloy ako nakapagcongrats kina Gabby. Tinamad na din naman ako magonline dahil paniguradong loggers na naman ang cellphone ko dahil sa kaingayan nila.  Wala na akong magawa kundi imute nalang. 





"San ba kayo galing ni Gabriel ha?" tanong ko bigla sa kawalan dahil baka kung ano ng nangyayari, wala pa din akong alam.





"Galit na galit? Alam mo wag ka na magalala sakin. Nilibre niya lang naman ako ng meryenda tapos hinatid na niya ako dito sa bahay.  Ano namang masama dun ?" tanong niya sakin na may pagtaas pa ng kilay.  Di na ako nagsalita pa, dahil alam kong hindi din siya magpapatalo. 





"Kung nahihili ka, edi ilibre mo din si Gabby.  Tutal may gusto ka naman sa kanya diba?" ngiti niya sakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.  Wala akong panahon makipagusap sa magaling na storyteller kong kapatid.





"Tara na nga" iritang tono ko sa kanya para bilisan. Minsan kasi, parang ako na ang matanda sa aming dalawa dahil sa panloloko niya sakin. Napaka isip bata kasi minsan. 





"Dali dali? Gusto na kasing makita si Gabby eh hahaha.  Alam mo di naman ako tutol sa inyong dalawa, bagay nga kayo eh" dagdag niya pa.



"Tsk"




Buong biyahe akong hindi nagsasalita dahil lang sa kasama ko.  Nakakawalang gana kausap ang ganyang klaseng tao lalo na't lolokohin ka lang naman. Mas mabuti pang manahimik. Kaibigan ko lang naman talaga si Gabby at walang malisya. Sila lang naman ang naglalagay ng meaning eh.




*few minutes later*




Agad kaming nakarating sa campus kaya pinark ko na yung kotse.  Tiningnan ko ang aking wrist watch at nakitang 10 minutes nalang malapit ng magtime. Ang pabebe pa ng kasama ko.




"Ate, bilisan mo na jan. Malelate tayo" bulyaw ko sa kanya kaya agad na siyang lumabas. Kumaripas na ito ng takbo at di na manlang nanghintay. Tsk. 



"Yow matt-"



"Yow ka jan. Di ka rapper" iritang sagot ko kay Iggy na nasa harapan ko na ngayon.  San kaya galing ang lokong to!?



"San ka galing?" tanong ko sa kanya.




"Sa bahay.  San pa ba?" aniya.




"Tsk. Tara na nga"




Gab's POV



"Hoy bes may assignment daw pala sa Math!?"




Tahimik akong nakaupo ngayon dito sa room at mukhang nagkakagulo na naman ang mga kaklase ko dahil lang sa assignment. Wala kasing panahon magbuklat manlang ng notebook at wala ng ginawa kundi magingay sa gc kaya tamo ngayon. 





"Meron nga ah. Wala kang gawa?" tanong ko may Hailey dahil isa din siya sa natataranta. Pero kilala ko ang best friend ko kaya imposibleng wala.  Naarte lang yan.





Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon