Chapter 5

7.7K 237 3
                                    

Mika's POV

*Phone  vibrates*

Naalimpungatan ako ng biglang nagvibrate ang aking cellphone sa side table.  Lumingon muna ako sa orasan at nakitang 6:00 palang ng umaga.  Sino naman kaya ang magtetext sakin ng ganito kaaga. 


Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at binuksan iyon. Nun ko lang napansin na galing pala kay Gabriel ang message. Masyado pa akong sabog sa mga oras na to. 

From: Gabriel

    GoodMorning :) See you mamaya:)

*door opens*

Mabilis kong tinago ang aking cellphone sa kama dahil baka makita ni Matt.  Nakahinga naman ako ng maluwag ng si Yaya pala yung nandon.

"Mika, bumaba ka na don.  Ready na almusal niyo.  Andon na pati ang kapatid mo" Deretsong sabi niya.

"Susunod po ako" 

Sinaraduhan ni Yaya ang pinto matapos ko iyong sabihin. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagtype ng irereplay kay Gabriel. 

To: Gabriel

      See you din :)


Tumayo na ako pagkatapos itap ang send button at dumiretso sa Cr.  Araw araw laging nagsesend ng text message sakin si Gabriel.  Di ko alam kung ano bang pakay niya sakin,  dahil ang alam ko lang magkaibigan kami.   Siguro nga, ganun lang siya ka caring at kabait ang treatment.  Kaya ang swerte ni Gabby sa kapatid niya. 


Hindi ko naman masasabi na nanliligaw na siya agad sakin,  edi sana kasi nagpaalam na siya matagal na pero wala eh.  Di naman ako nageexpect na ligawan niya ako agad agad.  Hindi naman ako ganun kadesperada .

Anyways, Ako si Mika Alcantara.  18 years old. Wala akong boyfriend dahil kakabreak lang namin . Narealize ko nga na napakatanga ko pala nung time na yun dahil nagpaloko ako sa ganong klaseng lalaki.  Kaya ngayon, move on na ako.  At masayang masaya sa kung anong meron ako ngayon. 


And I must say, that I am one of the very proud students of the worst section of our university.  Di tulad ko, laging naaasar si Matt pag naaalala niya ang pagkakakilanlan samin.  Hindi naman sa perfectionist ang kapatid ko,  mabait kasing bata yun kaya ayaw niyang nadadamay siya sa mga kahambugan ng buong klase namin. 


Masasabi kong aware naman ako sa mga kasalanan na nagagawa ng buong section namin especially sa mga subject teachers ,pero kami kami na din mismo ang walang unity. Yung tipong wala talagang may balak na magbago sa bawat isa samin.  Dahil gusto nga ng karamihan samin,  magulo pero masaya.


Bumama na ako sa hagdan matapos kong gawin ang aking morning routine. Nakita kong nandon na si matt at tahimik na kumakain. Tamo to, di manlang nanghintay, di naman ako ganun katagal eh.


"Good Morning ate" bungad nga sakin kaya napangiti nalang ako sa kawalan. Ang sweet talaga ng kapatid ko.  Hihihi


"Good Morning, ang daya mo ah. Di mo ko tinawag " pangasar na tono ko sa kanya. 


"Sorry na.  Nakakagutom na kasi eh"natatawang sambit niya. 


Umupo na ako sa gilid ng mesa at nagsimula ng kumain.  Ngayon ko lang naalala na may pupuntahan nga pala kami kasama sina Gabby para magaudition sa brass band mamaya.  Hays di na naman ako kinakabahan dahil medyo flexible naman ang katawan ko.  Tsaka nung elementary mahilig na akong sumali sa mga event ng school.  Kaya yakang yaka na namin yun. 


Worst Section Where stories live. Discover now